DepEd kailangan pa ang karagdagang P30-B para sa printing ng modules – Sen. Recto

Imahe mula sa DepEd-Facebook
  • Kakapusin ang pondo ng DepEd para sa printing ng modules para sa online learning
  • Sa pagtataya ni Sen. Recto, kailangan ng DepEd ang karagdagang P30-B hanggang P35-B para dito
  • Malaking hamon din umano sa mga guro ang pagprint ng mga modules kada linggo

Tiyak na kakapusin ng pondo ang Department of Education (DepEd) para sa pagpi-print ng mga learning modules oras na magsimula na ang pasukan sa darating na Oktubre, ayon kay Senador Ralp Recto.

Sa pagtataya ni Recto, pinakamababa na umano ang 96.3 bilyon na pages ang kailangang i-print ng mga guro matugunan lamang ang pangangailangan ng mga estudyante base sa requirement ng DepEd.

Imahe mula sa DepEd Facebook

“My low-end estimate is about 93.6 billion pages. And that’s about 1,500 times the 61 million ballots we printed during the last elections. That’s enough paper to gift-wrap all the classrooms in the land,” ayon sa senador.

Sa pinakamababang presyo na P1 kada pahina sa pagprint, nangangahulugan ito na aabot sa P96.3-B ang kailangang mailabas ng ahensiya para lamang sa kasalukuyang school year.

Ang problema raw ay halos one-third lamang ng nabanggit na halaga ang maaaring makuha sa kasalukuyang pondo ng DepEd kaya kailangan pa ang karagdagang P30-B hanggang P35-B.

Imahe mula sa Facebook – Sen. Recto

Ang estimate ni Recto ay base sa 20 pages kada subject bawat linggo at 8 subjects sa loob ng 34 na linggo. Ito ay kakailanganin umano ng 17.206 milyong estudyante sa mga pampublikong eskuwelahan.

At ang 17.206 milyon ay 80% lamang ng kabuuang 21.507 milyo na nagpa-enroll ngayong tao kaya aabot sa 96.3 bilyon pages ang pinakamababang estimate.  Pero kung lahat ay gagamit, 117 billion pages ang aabutin nito.

“Even if you cut the number of pages per subject by half, to 10 pages, we will still be needing between 48 billion to 59 billion pages,” paliwanag pa ng mambabatas.

Nauna nang sinabi ng DepEd na maaaring gamitin para sa school printing ang 30% ng MOOE (maintenance and other operating expenses) ng bawat eskuwelahan.

Imahe mula sa DepEd Facebook

Subalit sa halagang P7.34-B, lubha pa rin itong napakababa. At kahit buong MOOE pa ang gamitin na nagkakahalaga ng P24.1-B at idagdag pa ang P9-B na napabalitang narelease na para sa modules, kakapusin pa rin ito, ayon kay Recto.

Malaking hamon din umano sa mga guro ang pag-print ng mga modules kada linggo lalo pa’t hindi naman lahat ay may available na printer.

Hinimok ng Senate President Pro Tempore ang pamahalaan at ang DepEd na resolbahin kaagad ang ‘funding gap ‘ na ito dahil ang mga guro ang nahihirapan sapagkat karamihan sa kanila ngayon ay naglunsad na ng ‘donation drives’ matugunan lamang ang pangangailangan ng mga papel na gagamitin.

Source :

GMA News, Senate

Loading…