DepEd official hinihikayat ang pagsusuot ng school uniform o pormal na kasuotan sa online classes

Imahe mula sa India Today
  • Isang DepEd official ang nagmungkahi ng pagsusuot ng uniporme o kaya ay angkop na kasuotan para sa mga mag-aaral na dadalo ng online classes
  • Ito ay upang maiwasan umano ang mga insidente ng bullying
  • Nilinaw ng DepEd na hidi naman required ang pagsusuot ng school uniform sa online classes

Isang opisyal ng Department of Education (DepEd) ang humihikayat sa mga mag-aaral na mag-suot ng school uniform o kaya naman ay kasuotang angkop sa klase sa tuwing dadalo ng online classes. Ito ay upang maiwasan umano ang mga insidente ng bullying.

Imahe mula sa India Today

“To prevent from bullying na mangyayari, ini-encourage na dahil nasa platform ka na online, puwede lang magbihis ng angkop sa klase,” sabi umano ni DepEd Region 7 director Dr. Salustiano Jimenez batay sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak.

Nilinaw naman ng DepEd ang pagsusuot ng school uniform sa online classes ay hindi required para sa mga public schools.

“The Department of Education is not requiring learners to wear school uniform in any distance learning approaches that they will participate in for school year 2020-2021,” ayon sa official statement ng kagawaran.

Ipinaliwanag pa ng DepEd na maski noong wala pang COVID-19 pandemic ang pagsususuot ng school uniform ay hindi istriktong ipinatutupad upang maiwasan ang karagdagang gastos sa pamilya ng mga etudyante.

“With face-to-face classes prohibited, learners are welcome to wear their most comfortable and appropriate clothes while learning at the safe confines of their homes,” ayon pa sa DepEd.

Imahe mula sa DepEd

Binigyang-diin ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na ang hindi istriktong pagpapasuot ng school uniforms ay isang polisiya ng DepEd para lang sa public schools. Aniya, may sariling polisiya ang mga pribadong paaralan.

Private school sa Valenzuela City required pa rin ang pagsusuot ng uniforms kahit home schooling na; netizens umalma

Matatandaang noong buwan ng Hunyo ay naiulat na dito sa DF News na ang isang private school sa Valenzuela City na nagsabing required sa kanilang mga mag-aaral at guro na magsuot ng school uniform sa online classes.

Imahe mula sa Children of Mary Immaculate College Valenzuela

May mga magulang na umalma sa polisiya, subalit mayroon din namang pumabor dahil magkakaroon daw ng “school feel” ang mga bata kapag nakasuot ng uniporme kahit nasa bahay lang at baka mas makabuti ito sa pag-aaral.

Loading…