‘Designated Survivor’ bill dapat nang isabatas – Lacson

Imahe mula sa Wikipedia, Netflix
  • Isinusulong ni Sen. Ping Lacson ang agarang pagpasa ng ‘designated survivor’ bill
  • Isa umano itong napakahalagang batas para punan ang pagkukulang sa Konstitusyon
  • Kamakailan lang ay binawi ng isang kongresista sa Kamara ang kaparehong panukala

Isang araw matapos i-withdraw ang ‘designated survivor bill’ ng isang mambabatas sa Kamara, nais naman ni Senador Panfilo Lacson na agad itong maipasa sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Lacson, isang importanteng batas ito sapagkat hindi nababanggit sa 1987 Constitution kung sino ang papalit bilang lider ng bansa sa oras na ang Presidente, Bise Presidente, Senate President at Speaker of the House ay sabay-sabay na mawala.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

“If such a tragedy occurs, who will act as President until the next election of the President and Vice President, since the constitutional line of succession to the President stops at the House Speaker?” tanong ng senador.

Giit ni Lacson, kailangang aksiyunan na ng kaniyang mga kasamahan ang Senate Bill No. 982 na naglalayong magtuloy-tuloy ang pamamalakad ng gobyerno sa sandaling dumating sa katulad na trahedya dahil sa kawalan ng papalit na pangulo ng bansa.

Maaari umano itong magresulta sa isang “constitutional crisis at leadership vacuum”.

Ang Senate Bill No. 982 ay magbibigay ng kapangyarihan sa Presidente na magtalaga ng isang Cabinet member bilang ‘acting president’ kapag ang VP, Senate President at House Speaker ay lahat nabigo na manumpa bilang pangulo sa oras na sumakabilang buhay o magkaroon ng permanent disability ang nakaupo sa Palasyo.

Screenshot mula sa You Tube

Hindi lang umano ito isang hakbang na naaayon sa Saligang Batas kung hindi talagang iniaatas mismo ng Konstitusyon na nagsabing: “Congress shall, by law, provide for the manner in which one who is to act as President shall be selected until a President or a Vice-President shall have qualified, in case of death, permanent disability, or inability of the officials mentioned in the next preceding paragraph.”

Magugunitang binawi ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo nitong Biyernes ang House Bill No. 4062 o ang “Presidential Succession Act” na kaniyang iniakda.

Imahe mula sa Netflix

Paliwanag ng mambabatas, ayaw niyang magkaroon ng impresyon na tila binabalewala niya ang ‘line of succession’ ayon sa nasasaad sa Konstitusyon.

Ang ‘designated survivor’ ay hango sa isang sikat na palabas sa Netflix kung saan isang hindi gaanong makapangyarihang Cabinet member ay napilitang maupo sa White House dahil sa isang trahedya.

Loading…