DOH magbabahay-bahay upang hanapin ang mga asymptomatic

Imahe mula sa DOH
  • Magbabahay-bahay ang DOH at DILG upang hanapin ang mga taong COVID-19 positive subalit walang sintomas na ipinapakita
  • Ang house-to-house search para sa mga asymptomatics ay sisimulan sa Metro Manila at Calabarzon
  • Ang dalawang rehiyon ang nakapagtala ng pinakamaraming COVID-19 cases sa lumipas na   ilang linggo

Magsasagawa na ang pamahalaan ng house-to-house search sa mga taong mayroong COVID-19 infection subalit hindi nakikitaan ng anumang sintomas.

Imahe mula sa DOH

Uunahin ng Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang Metro Manila at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa bahay-bahay na paghahanap ng mga asymptomatics.

Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang dalawang rehiyon na nabanggit ang  mayroong pinakamaraming COVID-19 cases na naiulat sa ilang linggong nakalipas.

Ang hakbang na ito ng DOH at DILG ay naglalayong ma-identify, test at isolate ang mga taong infected ng coronavirus, subalit hindi nakararamdam ng anumang sakit. Hango ito sa ginawa sa Mumbai, India na tinawag na “Dharavi model” na isa nang global model para sa COVID-19 management.

Ang Dharavi ay isang slum area sa Mumbai na may lawak na 2.5 square kilometers at mayroong tinatayang isang milyong residente.

Imahe mula sa DOH

Dahil sa aktibong surveillance at containment measures na ipinatupad ng Indian government kabilang ang screening, testing at isolation ng possible COVID-19 cases, ang pagkalat ng virus ay epektibong nakontrol.

Malaki ang kumpiyansa ni Usec. Vergeire na ang pagtaas ng mga COVID-19 cases ay epektibong makokontrol sa loob ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine na umiiral sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Aniya, layunin ng DOH na maipatupad ng husto ang CODE Protocols o Coordinated Operations to Defeat Epidemic upang masugpo ang “clusters of infections.”

“We need to operationalize a national government-enabled, local government-led, people-centered response, with health taking the primacy in the approach,” turan ni Usec. Vergeire.

Imahe mula sa PIA

Sa ilalim ng CODE protocol, magbibigay ng mas malakas na suporta ang national government sa mga local government units na higit na nangangailangan nito. Ito ang mga lokalidad na may maraming kaso ng impeksyon subalit kulang ang resources para sa testing at isolation facilities.

Kabilang din sa programa ang pamamahagi ng face shields, masks at hygiene kits.

Source :

Philstar, OneNews

Loading…