Donita Nose nakalabas na ng ospital matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19

Screenshots mula sa Facebook, Instagram ni Donita Nose
  • Nakalabas na ng ospital ang komedyanteng si Donita Nose
  • Nagpasalamat ang Wowowin host sa lahat ng mga nagdasal para sa kaniyang paggaling
  • Halos magkasunod na gumaling si Donita Nose at ang komedyante ring si Michael V

Nadischarge na mula sa pagamutan ang komedyanteng si Donita Nose na ilang linggo ring nakipaglaban sa coronavirus simula nang dapuan siya nito noong nakaraang buwan.

Ibinahagi ni Donita, o Ogie Solano sa tunay na buhay, ang magandang balita sa kaniyang social media accounts. Sa video ay makikita siyang masayang lumalabas ng kaniyang kuwarto habang sinasalubong ng masasaya at nagpapalakapakang staff ng ospital.

Screenshot mula sa facebook Live ni Donita Nose

Nagbigay ng pasasalamat at papugay ang Wowowin host sa mga frontliners na nag-alaga sa kaniya habang siya ay nasa isolation facility ng pagamutan.

“Thank God for everything! I love you. And Thank you to all the FRONTLINERS.. alam ko ang hirap at sakripisyo nyo.. Ingatan n’yo po mga sarili nyo. Saludo ako sa inyong lahat!. Salamat sa pag aalaga sa aming lahat. I love you all. God bless us all,” caption niya sa kaniyang Instagram video.

Donita Nose kinumpirmang nagpositibo siya sa COVID-19

Sa Facebook Live naman ng komedyante, nagpasalamat ito sa lahat ng nagdasal para sa kaniyang pagggaling at gayundin sa mga nagpadala ng mga mensahe na siyang nagpalakas umano ng loob sa kaniya.

“And im FREE!.. SALAMAT PO AMA! Salamat sa lahat ng nag pray.. nagmalasakit at nagmahal.. at nagbigay ng tulong, gagawa ako ng video ng lahat ng taong papasalamatan ko,” wika niya.

Screenshot mula sa Instagram ni Donita Nose

Kinumpirma ng comedian-host na nagpositibo siya sa coronavirus matapos lumabas ang resulta ng kaniyang swab test bago matapos ang buwan ng Hulyo. Kaagad naman siyang nagpa-confine sa isang ospital at dito niya umano naramdaman ang kalungkutan ng pag-iisa habang nakikipaglaban sa sakit.

Ilang celebrities na rin ang tinamaan ng COVID-19 maliban kay Donita. Kabilang na dito sina Michael V, Iza Calzado, Christopher De Leon, Sylvia Sanchez, at Divine Lee.

Kailan lang ay masaya ring ibinalita ni Michael na gumaling na siya sa COVID at natapos na rin ang itinakdang 14-day quarantine period kaya balik-normal na ang kaniyang buhay.

Loading…