DOTr humihingi ng mahigit P1 billion pondo para sa bike lanes sa Metro Manila

Imahe mula sa PNA
  • DOTr humihiling sa Kongreso ng mahigit isang bilyong pondo para sa bike lanes sa buong Metro Manila
  • Aabot sa 644 kilometers ang gagawing bike lanes sa iba’t ibang kalsada sa Kamaynilaan
  • Gumagawa na rin ng mga “hospital bike lanes” upang maging mas accessible sa mga nagbibisikleta ang mga pagamutan sa Metro Manila

Humihingi ng mahigit isang bilyong pisong pondo ang Department of Transportation (DOTr) sa Kongreso sa pamamagitan ng Bayanihan To Heal as One Act 2 para sa gagawing bicycle lanes sa buong Metro Manila.

Imahe mula sa PNA

Ayon kay DOTr Assistant for Road Sector Secretary Mark Steven Pastor, ang hinihinging pondong P1.035 billion ay sapat para sa 644 kilometers ng bike lanes.

“Because of the clamor of health workers, we are establishing protected bike lanes connecting the cities of Metro Manila. We are asking Congress to fund the project from Bayanihan,” aniya.

“Doon sa tinatawag na Metro Manila-Wide Bike Lane Network, tayo ngayon ay nakikipagtulungan sa ating mga congressmen at senador. At sana ay mabigyan tayo ng pondo for this year through Bayanihan 2,” dagdag pa ng transport official.

Ang mga bike lanes ay ilalagay sa mga circumferential roads at ib apang mga makakaling kalsada sa Kamaynilaan.

“For circumferential roads, it will cover C1, C2, C3, C4, EDSA line, C5, C5 extension, and C6. This will cover a stretch of 204.5 kilometers. Sa radial roads, maraming iko-cover —R1, R2, R10, R4, R5, and R9, covering 295.22 kilometers,” ani Asec. Pastor.

Imahe mula sa Gulf News

Magkakaroon din ng bike lanes sa Ortigas, Buendia, White Plains, Estrella, Ayala at Manggahan.

Kasalukuyan na ring ginagawa ng Department of Public Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority ang mga hospital bike lanes sa Manila at Quezon City upang gawing mas accessible ang mga pagamutan sa mga taong nagbibisikleta, lalo na ang mga medical workers.

Imahe mula sa Global Times

Loading…