Drilon sinabing “totally failing” ang efforts ng gobyerno sa COVID-19

Image by Franklin Drilon via Facebook
  • Sen. Franklin Drilon nababahala sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 positive sa bansa
  • Drilon: “Our effort to prevent the spread of the virus is totally failing”
  • Hinikayat niya ang IATF na paigtingin ang episyenteng testing, tracing and treating (3 Ts)

Ikinababahala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 positive sa bansa; mataas din aniya ang rate of infection na siyang magdi-dismiss sa paliwanag na ang pagtaas ng kaso ay dahil sa increased testing capacity.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Kung nasa 10% ang rate of infection noong Marso at Abril, sabi nito, umaabot na sa 12% hanggang 13% nitong mga nakaraang dalawang linggo.

Kaya’t, anang Senador, totally failing ang mga pagsisikap na isinasagawa ng gobyerno para masugpo ang pandemya.

Wika ni Drilon, “Our effort to prevent the spread of the virus is totally failing, because the virus continues to multiply. That is what we must arrest. We must take advantage of the lockdown to increase our contact tracing efforts.”

Hinikayat niya ang IATF na paigtingin ang episyenteng testing, tracing and treating (3 Ts) para mapigilan ang pagkalat ng pandemya, nang hindi na magpatupad pa ng lockdown.

Aniya, ang Pilipinas ang may pinaka-istrikto at pinakamatagal na lockdown pero nabigo pa rin ang pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sabi ni Drilon, malaki ang pinsalang naidudulot ng lockdown sa ekonomiya dahil milyun-milyon ang magdurusa sa joblessness at poverty.

Huwag na umanong pagtuunan ng pansin kung mas mataas o mas mababa ang kaso rito sa Pilipinas kaysa sa Indonesia o kung nagaganap ang prediksyon ng UP. Bagkus ay magpokus sa infection rate.

“This is not a contest; this is not a race between nations. It is a race between the virus and our health system. Are we winning the war? Are we on the road to stop the spread of the virus?”

Loading…