Driver’s license na may 10-year validity dapat ibigay sa lahat ng motorista – PISTON

Imahe mula sa LTO
  • Nanawagan ang PISTON sa LTO na dapat gawing available sa lahat ng mga motorista ang driver’s license na 10 years ang validity
  • Nauna nang inanunsyo ng LTO na ang naturang lisensya ay para lang sa mga driver na wala ni isang traffic violation na nagawa
  • Tinawag ni PISTON chairman George San Mateo na discriminatory ang programa ng LTO

Sinabi ng pamunuan ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Land Transportation Office (LTO) na dapat gawing available sa lahat ng motorista ang driver’s license na may 10-year validity.

Screenshot mula sa GMA video

Sinabi ni PISTON national president George San Mateo na discriminatory ang plano ng LTO na ang iisyuhan lang ng naturang driver’s license ay ang mga motoristang malinis ang traffic records o walang nilabag na anumang batas-trapiko.

BASAHIN: 10-year validity ng driver’s license maaari nang ma-enjoy sa susunod na taon

Katwiran ni San Mateo, ang makikinabang lang sa programa ng LTO ay ang mga driver na bihira lang magmaneho o may lisensya nga ngunit hindi naman nagmamaneho dahil nasa labas ng bansa.

“This is a very discriminatory and double-standard scheme because there are varying levels by which vehicles stay on the road. Meanwhile, our drivers who are on the road for over 12 hours every day to serve our commuting public do not get to enjoy this privilege. They are the most likely to be ticketed for violations, since traffic enforcers often like to prey on them for extortion,” sabi ni San Mateo.

Matatandaang sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na ang 10-year driver’s license ay isang insentibo sa mga drivers na sumusunod sa batas-trapiko at wala ni isang paglabag.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Sinabi pa niya na ang bawat paglabag ay may katumbas na demerit points at ang driver ay hindi mabibigyan ng lisensyang may 10-year validity kahit  isa lang ang demerit point na nakuha mula sa isang minor traffic violation.

“Who in this country would be able to avail of that, then? Of course it would be people with licenses but don’t drive, or overseas workers who are abroad but have driver’s licenses here,” ani San Mateo.

Ayon naman sa LTO, layunin ng pag-iisyu ng 10-year driver’s license na mahikayat ang mga driver na sumunod at hindi lumabag sa mga batas-trapiko.

Imahe mula sa LTO

Loading…