Duterte sa mga corrupt PhilHealth officials: ‘Yayariin ko kayong lahat’

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM
  • Nagbabala si Pangulong Duterte na papanagutin niya lahat ng tiwaling opisyal ng Philhealth
  • Hinimok niya rin ang mga ‘inosente’ na manahimik lang muna at tuloy sa pagtatrabaho
  • Gagawin niya umano ang nabigong gawin ng nakaraang administrasyon sa tulong ng kaniyang Gabinete

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Philhealth na nasasangkot sa diumano’y katiwalian sa loob ng ahensiya na papanagutin niya ang mga ito.

Sa ginawang public address ng Pangulo nitong Lunes ng gabi, hinimok niya rin ang mga ‘matitino’ at inosenteng opisyal na manahimik muna at tuloy lang sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM

“’Wag kayong magkakamali itong — itong PhilHealth. Sabi ko yayariin ko kayong lahat, maniwala kayo,” banta ni Duterte.

“Iyong mga inosente naman, wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working,” dagdag pa ng Pangulo.

Ginawa ng Presidente ang babala sa gitna ng pumutok na umano’y malaking katiwalian sa Philhealth sangkot ang pondo ng mga ahensiya na aabot sa P15-B. Kasalukuyan nang nagsasagawa ng pagdinig ang Senado dito sa pangunguna ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Dito ay ibinulgar nina dating Philhealth anti-fraud legal officer Thorrson Montes Keith at board member Alejandro Cabading ang tungkol sa maanomalyang pagbili ng mga overpriced na IT equipment kabilang na ang laptop na nagkakahalaga ng P115-M.

Pinangalanan din ni Cabading ang apat na matataas na opisyal ng ahensiya na sangkot umano sa tinataguriang ‘mafia’ sa loob.

Screenshot mula sa YT video ng ABS-CBN

Samantala, naniniwala naman si Pangulong Duterte na mapapanagot ngayon ng kaniyang administrasyon ang mga nasabing tiwaling opisyal kahit nabigong gawin ito ng nakaraang administrasyon.

“And with the help of mga Cabinet members ko, hindi na lang — hindi ko na lang ipagyabang but these are people also… Simple lang. Why? Why are they really helping me to get rid of you? Kung maaari lang p*tayin ka? Alam mo bakit,” patuloy pa ni Duterte.

Inaasahang magpapatuloy ang pagdinig sa Senado ngayong Martes, ika-11 ng Agosto kung saan nakatakdang magbigay ng kaniyang testimoniya ang isa pang whistleblower na hindi nakasipot noon.

Loading…