Eco-friendly pizza box na yari sa dahon ng niyog gamit ng isang restaurant sa Siargao

Imahe mula sa Facebook page ng Aqwa Siargao
  • Pizza box na yari sa dahon ng niyog ginagamit ng isang restaurant sa Siargao Island
  • Bukod sa nakatutulong ito sa kalikasan, nabibigyan din ng dagdag na pagkakakitaan ang mga lokal na manghahabi sa isla
  • Ang Aqwa Siargao ang unang restaurant sa Siargao Island na gumamit ng eco-friendly pizza box

Isang restaurant sa Siargao Island ang gumagamit ng eco-friendly box para sa kanilang pizza. Yari ito sa dahon ng puno ng niyog.

Imahe mula sa Facebook page ng Aqwa Siargao

Dalawang bagay ang nakamit ng Aqwa Siargao, ang restaurant na matatagpuan sa  Danjug Nature Park sa Tangbo, Santa Monica, Surigao del Norte (Siargao Island), sa paggamit ng eco-friendly pizza box.

Una ay nakababawas sa basura dahil reusable ang sisidlan ng pizza bukod pa sa ito ay biodegradable at ikalawa, natulungan nito ang mga lokal na manghahabi ng tampipi na magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan lalo na ngayong may pandemya.

“We are proud to share that we are now using an eco-friendly take away pizza container for our customers. Our aim is to have less waste and promote sustainability. We are also helping local Tangbo weavers to earn extra income especially at this time of pandemic,” post ng Aqwa Siargao sa Facebook page nito noong nakaraang linggo.

Imahe mula sa Facebook page ng Aqwa Siargao

Ayon sa Aqwa Siargao, kailangang mag-deposito ng P150 ang customer para sa eco-friendly pizza box. Maaaring makuha ang deposito kapag isinauli ang box. Puwede rin namang gamitin ulit ang pizza box kapag umorder ulit ng take home pizza.

“When you order the pizza for take away, we collect a deposit fee of 150 pesos. Then you can either bring the box back to us and we give you your 150 pesos back or you can hold on to the box and use it again when you order another take-away pizza from us. It’s like how the water containers (the gallons) work when you order purified water from the facility,” sagot ng Aqwa Siargao sa tanong ng isang netizen.

Imahe mula sa Facebook page ng Aqwa Siargao

Ang naturang restaurant ang unang restaurant sa Siargao Island na gumamit ng ganitong eco-friendly box.

Isang pizzeria sa Pila, Laguna, ang The BrickOven Café, ang naunang nagpakilala sa publiko ng ganitong uri ng packaging para sa pizza. Tinawag nila itong “TampiPizza.”

Loading…