Edu Manzano pinuri ang liderato ni Mayor Vico Sotto sa Pasig City

Image by Edu Manzano via Facebook / Image by Vico Sotto via Facebook
  • Edu Manzano pinuri ang pamamahala ni Mayor Vico Sotto sa Pasig City
  • Ani Manzano, mukhang bihasa na si Sotto sa epektibong pagpaparating ng mensahe sa masa
  • Manzano: “Kudos to your Mayor Vico”

Pinuri ng aktor at pulitiko na si Edu Manzano ang pamamahala ni Mayor Vico Sotto sa lungsod ng Pasig. Ani Manzano, mukhang bihasa na si Sotto sa epektibong pagpaparating ng mensahe nang hindi ipino-promote ang sarili.

Image capture from Twitter post by Edu Manzano

Wika niya, “For someone so young this Mayor seems to know a lot about effective messaging. No self-promotion. Kudos to your Mayor Vico. (BTW, I’ve never met the Mayor).”

Ibinahagi ni Manzano ang post ni Sotto kaugnay sa panawagang kontakin ang kanilang COVID-19 operations center sakaling may residenteng makaramdam ng sintomas ng COVID-19 partikular ang pagkawala ng panlasa.

Nakasaad sa post ng alkalde na ‘wag agarang magpunta sa ospital o health center ang mga makararanas ng sintomas para maiwasan ang pagkahawa; bagkus ay tawagan ang kanilang operations center number 0961-582-5019 para ma-assess ng City Health Office ang kalagayan ng nakaramdam ng sintomas.

Maliban sa karera sa showbiz, may karanasan din si Manzano sa pulitika. Naranasan niyang kumandidato bilang alkalde ng Makati City, bilang congressman, bilang senador at sa pagka-bise Presidente. Nanungkulan siya bilang bise-alkalde ng Makati City mula 1998 hanggang 2001.

Mayor Vico Sotto, nakakuha ng pinakamataas na satisfaction rating sa pagtugon sa COVID–19 pandemic

Noong nakaraang buwan, nakakuha si Sotto ng pinakamataas na satisfaction rating sa lahat ng Metro Manila LGU mayors pagdating sa pagresponde at pagtugon sa suliraning hatid ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Image by Vico Sotto via Facebook

Batay sa survey na isinagawa ng RLR Research and Analysis, nakakuha ang alkalde ng 97% na sinundan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na mayroong 95% satisfaction rating.

Ang pagkilala na ito ay umani pa ng papuri mula sa netizens. Sabi ng isa, “Very deserving Mayor of Pasig, he does his work well and as expected by his constituents!!! MORE POWER MAYOR VICO!”

Image by Vico Sotto via Facebook

Loading…