Essential workers papayagang umangkas sa mga lugar sa ilalim ng MECQ

Imahe mula sa PNA | Jess M. Escaros Jr.

 

  • Papayagan nang umangkas ang mga essential workers na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine
  • Ito ay dahil sa limitadong pampublikong transportasyon 
  • Paalala rin ng mga awtoridad, hindi kailangang mag-asawa o mag-partner ang magka-angkas ngunit dapat ay may suot silang barrier

 

Dahil sa limitadong pampublikong transportasyon sa mga lugar na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ay papayagan nang umangkas sa motorsiklo ang mga essential workers.

Imahe mula sa PNA

Kinumpirma ito ni Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander P/LT. Gen. Guillermo Eleazar sa isang panayam sa Unang Hirit.

“Kagabi po ay nagkaroon ng pagpupulong ang national task force (NTF) at ako po ay naimbitahan doon kasama ang mga city mayors,” paliwanag ni Eleazar.

“Nagbigay po ng guidelines ang NTF through Secretary Delfin Lorenzana and Secretary Eduardo Año na papayagan na po under MECQ iyon pong backriding dahil nga suspended ang public transport…kung ang backride natin or itong ating pasahero o tinatawag nating angkas is an essential worker o APOR (authorized persons outside of residence).” 

Imahe mula sa Facebook | Unang Hirit

Ang driver ng mga essential worker ay hindi na raw kinakailangang asawa o partner nito. “Regardless of relationship ito nung driver at nung backride. Hindi kailangan na sila ay mag-asawa.”

Paalala ni Eleazar, kailangan pa ring magsuot ng safety barriers ng mga ito. “Ngayon, siyempre naroon pa rin ‘yong barrier na required doon at saka ‘yong motorsiklo ay dapat privately-owned, hindi siya for hire. Dapat hindi siya inupahan,” dagdag niya.

Para naman sa mga lugar sa ilalim ng GCQ at MGCQ, mananatili ang panuntunan na kailangang may barrier at mag-asawa o partners na nakatira sa iisang address ang magka-angkas.

Matapos ang panawagan ng mga health worker na muling pairalin ang mas mahigpit na quarantine ay inilagay sa MECQ ang Bulacan, Cavite, Laguna, National Capital Region, at Rizal mula Agosto 4 hanggang 18.

 

Source :

Facebook

Loading…