Ex-Philhealth execs humingi ng legal immunity, proteksiyon dahil sa banta sa kanilang buhay

Screenshot mula sa YT video ng ABS-CBN
  • Mga Philhealth whistleblowers humihingi ng legislative immunity upang hindi masampahan ng kaso
  • Humihingi rin ng proteksiyon sina Keith at Cabading dahil sa banta umano sa kanilang buhay
  • Pabor naman si Senador Lacson sa kahilingan ng dalawang testigo

Humihingi ng legislative immunity ang dalawang dating opsiyal ng Philhealth sa gitna ng patuloy nilang pagbubulgar sa Senate hearing ng mga diumano’y anomalya sa ahensiya.

Sa sulat na ipinadala ni Atty. Thorrson Montes Keith kay Senate President Vicente Sotto III, sinabi nitong may opisyal ng Philhealth na kanilang isinasangkot ang nagmamalaking sasampahan sila ng reklamo.

“The Committee of the Whole will please recall the threatening language used yesterday by those identified as members of the syndicate. This morning, at the PhilHealth Head Office in Pasig City, one of them was boasting of filing charges against us,” ani Keith sa kaniyang sulat.

Imahe mula sa Facebook

Bukod dito, humihingi rin ng proteksiyon sina Keith at Philhealth board member Alejandro Cabading dahil sa pangamba sa kanilang buhay at seguridad.

Si Cabading ang nagbulgar ng pangalan ng apat na opisyal na kasapi umano sa tinataguriang ‘mafia’ sa Philhealth.

Screenshot mula sa YT video ng ABS-CBN News

“The undersigned also respectfully requests for protection considering that billions of Philippine money is involved. Also there had been various physical threats and just today an unidentified person is asking my location and identity near my hideout,” patuloy pa ng nag-resign na anti-fraud legal officer ng ahensiya.

Suportado naman ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kahilingan nina Keith at Cabading. Nangyari na raw kasi ito noong nakaraang taon kung saan pinagkakasuhan ang mga Regional Vice Presidents na tumestigo rin laban sa anomalya sa Philhealth.

Screenshot mula sa YT video ng ABS-CBN News

“So I think we owe it to them kasi nag-volunteer sila ng mga dokumento at information, na bigyan naman sila ng certain amount of legal protection ng Senado, ang kanilang ite-testify ‘di pwede gamitin sa kanila in future legal action against them,” ani Lacson.

Inaasahang dedesisyunan ng committee of the whole (CoW) ang sulat ni Keith sa susunod na pagdinig sa Senado na gaganapin sa Agosto 11.

Loading…