Face shield ‘scammers’ na tumangay ng P1.8-M kinukwestiyon na ng awtoridad

Imahe mula sa eCompareMo
  • Natangayan ng P1.8-M ang dalawang babae ng pinaniniwalaang face shield scammers
  • Hindi raw mai-deliver ang kanilang binayarang order kahit lumipas na ang ilang araw
  • Tatlong babae at isang lalaki ang ipinatawag ng awtoridad para kwestiyunin tungkol dito

Dahil sa lumakas na demand sa face shield bunsod na rin ng panibagong guidelines na inilabas ng IATF, kaliwa’t-kanan na rin ang mga manloloko na nais magsamantala sa kanilang kapwa kahit nasa gitna ng pandemiya ang bansa.

Nitong Miyerkules lamang ay dumulog sa Manila Police District ang dalawang babae na nabiktima ng pinaniniwalaang scammers at natangayan ng P1.8-M halaga ng pera.

Imahe mula sa FilAmstar

Humingi ng tulong sa mga awtoridad ang dalawang biktima na taga-Pangasinan dahil hindi dumating ang order nilang face shield sa kabila ng pagbabayad nila ng nabanggit na halaga.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakilala ng mga babae ang supplier sa pamamagitan ng social media at inirekomenda rin umano ito ng isang kaibigan.

Nagkabayaran na sila noong Linggo sa loob ng isang hotel para sa mga face shields na plano nilang ibenta sa probinsiya. Subalit inabot na ng tatlong araw ay wala pa umanong naide-deliver na face shield sa kanila.

Imaeh mula sa Shopee

Lagi na lamang dahilan umano ay delayed ang delivery at hindi makapag-park ang kanilang truck sa hotel.

Bukod dito, P1.5-M lang daw ang halagang nakalagay sa resibo na ibinigay sa kanila gayong P1.8-M ang kanilang ibinayad.

Inimbitahan na ngayon sa presinto ang mga sangkot na siyang tumanggap daw ng bayad na kinabibilangan ng isang lalaki at tatlong babae. Tumanggi namang magsalita ng apat na ngayon ay nahaharap sa kasong large-scale estafa.

Hepe isiniwalat ang modus operandi sa face shield scam bilang babala sa gustong bumili nito

Kamakailan lamang ay kumalat din sa social media ang modus operandi ng mga face shield scammers kung saan ilang tao ang naloko na nagdulot pa ng trapiko sa may bahagi ng Ortigas.

Loading…