First wife, celebrity friends nagtulung-tulong para kay John Regala; lagay ng liver ng aktor stable na

Screenshot mula sa 24 Oras video
  • Tuloy pa rin ang gamutan kay John Regala sa NKTI
  • Sinabi ng mga doktor na stable na ang lagay ng kanyang atay
  • Nakararamdam pa rin ng matitinding kirot ang aktor dahil sa gout

Patuloy pa rin ang ginagawang gamutan sa beteranong aktor na si John Regala na kasalukuyang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Imahe mula kay Aster Amoyo

Nagtutulung-tulong ang first wife ni John na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt at mga celebrity friends kabilang sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, Film Development Council of the Philippines chairman na si Liza Diño, veteran entertainment journalist na si Aster Amoyo at iba pa upang matugunan ang kanyang medical needs.

Ayon sa mga doktor ay stable na ang lagay ng liver ni John, subalit nakararamdam pa rin siya ng matinding kirot dahil sa iba pang karamdaman.

“Right now talaga he’s in a lot of pain because apart from his liver and kidney problems, which are barely functioning already, he also has gout. Sobrang lagi siyang nagko-complain sa sobrang sakit,” ayon sa dating child star na si Chuckie.

Sumailalim ang aktor sa arthrocentesis, isang medical procedure kung saan kinunan siya ng fluid mula sa tuhod  para ma-diagnose ang kondisyon ng mga tuhod niya.

Imahe mula sa News5 Features Facebook page

“Yesterday, John underwent arthrocentesis (used a needle to aspirate fluid from the right knee). Doctors submitted the fluid for tests to check if knee is infected or not. If test results show that his knee is not infected, John can receive steroids for joint pain,” pagbabahagi ni Nadia Montenegro sa Instagram.

Todo pa rin sa pagbibigay ng suporta ang unang asawa ni John na si Aurina na ngayon ay naninirahan na sa ibang bansa.

Nanawagan ito sa mga kamag-anak ng aktor na sana ay magbigay sila ng mensahe upang hikayatin itong magpagaling.

Screenshot mula sa 24 Oras video

“So hopefully, ’yong mga ibang pamilya, kamag-anak tawagan siya para may a little bit of support … para pampalakas ng sigla niya,” aniya.

Hiniling din niya sa mga tagahanga ni John na ipagdasal ang dating kabiyak.

 

Source :

Inquirer, YouTube

Loading…