Frontliner na security guard pinasasaya ang mga netizens sa kaniyang mga Tiktok dance

Screenshot mula sa TikTok
  • Pinasasaya ng isang security guard ang mga netizens sa kaniyang mga TikTok videos
  • Mga sayaw at nakatutuwang sakit ang kaniyang mga ibinabahagi
  • Humahakot ng views at likes sa TikTok ang mga paandar ni kuyang guard na isa ring frontliner

Sa panahon ngayon na umiiral ang pandemya, stress ang isa sa pangunahing kalaban natin. Kaya isa  sa mga ipinapayo ng mga eksperto ay maghanap ng gawain para malibang at maibsan ito.

At para sa security guard na si Ryniel Pineda, TikTok ang kaniyang outlet para mapawi ang pagod matapos ang maghapong duty.

Screenshot mula sa TikTok

Si Ryniel ay nakatalaga sa Butuan City hospital kaya maituturing din na isang frontliner.

Ayon sa GMA News, dating nagtatrabaho bilang dancer at choreographer si Ryniel kaya hindi na nakapagtataka na pagsasayaw ang kaniyang kinalilibangan ngayon.

Bukod sa magaling na dancer, natural din ang kaniyang pagiging komedyante kaya click ang kaniyang mga video sa TikTok. Sa katunayan, mayroon na siyang mahigit 97,000 na followers sa sikat na video-sharing platform.

Humahakot din ng views at likes ang kaniyang mga hataw at nakatatawang skit.

Screenshot mula sa TikTok

Mayroon ding You Tube channel si Ryniel kung saan ibinabahagi niya ang kaniyang mga videos.

Ang isa sa pinakapopular niyang video sa TikTok ay makikita siyang sumasayaw ng sa kantang Bisaya na Gikumot Kumot. Humakot na ng mahigit 19,000 likes at halos 300,000 views.

Panoorin ang mga nakatatawa niyang paandar at sayaw sa TikTok DITO.

Heto naman ang ilang video na ibinahagi niya sa You Tube:

Eto pa ang isa:

You want more?

Loading…