Frontliners ng PNP pagod na rin; Gamboa iginiit na walang ‘time-out’ sa kanilang hanay

Imahe mula sa PNP - Facebook
  • Napapagod na rin ang sariling frontliner ng PNP sa gitna ng dumaraming kaso ng COVID-19
  • Pag-aaralan umano ng kanilang pamunuan ang kalagayan ng kanilang mga doktor at nurses
  • Gayunpaman, hindi sila hihingi ng ‘timeout’, ayon sa PNP chief

Magkakaroon ng reassessment sa kondisyon ng mga PNP doctors at medical personnel sa harap ng hinaing ng mga ito na pagod na rin umano sila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni PNP chief Archie Gamboa na pag-aaralan nila ang kalagayan ng mga doktor at nurses sa kanilang hanay na nakararanas na rin ng fatigue at sobrang pagod.

Imahe mula sa Facebook-PNP

“Well, just like what is the current national situation, that’s why the health workers themselves requested a timeout. Our case is not that bad because remember, our hospitals in the PNP, we don’t expect severe patients to be admitted in the hospitals,” ani Gamboa.

Ginawa ni Gamboa ang pahayag bilang sagot sa rekomendasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-deploy ang medical personnel ng kapulisan at militar upang sugpuin ang coronavirus.

Magugunitang pinagbigyan ng Palasyo ang kahilingan ng mga ‘pagod na pagod’ nang medical frontliners na pansamantalang ibalik sa mas mahigpit na lockdown ang NCR upang pigilan ang patuloy na pagkalat ng virus.

Imahe mula sa Facebook-PNP General Hospital

Ayon sa PNP chief, inatasan niya na si Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Cascolan na pag-aralan ang hanay ng kanilang sariling frontliners upang matugunan ang rekomendasyon ng Pangulo. Kakausapin niya rin umano ang kanilang mga doktor at nurses para malaman ang kanilang saloobin dito.

Ganunpaman, iginiit ni Gamboa na hindi sila hihingi ng ‘timeout’.

“We are not authorized to call for a timeout in the PNP. We have to continue. There are a lot of PNP (personnel). We are totaling already to 209,000 so there is no reason why the PNP should say also timeout,” aniya.

Base sa pinakahuling ulat ng PNP Health Services Unit, umabot na sa 2,283 personnel ang dinapuan ng coronavirus; 11 dito ay hindi pinalad na makaligtas.

Loading…