Gobyerno walang planong ipatupad ang ‘road pricing’, toll fee sa EDSA

Imahe mula sa Fcebook
  • Walang planong ipatupad ng gobyerno ang ‘road pricing’ o paniningil ng toll fee sa EDSA
  • Nilinaw ng DOTr na ito ay suhestiyon lamang at hindi pa pormal na napag-uusapan
  • Ganunpaman, bukas umano ang DOTr sa anumang suhestiyon para maisaayos ang public transportation

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na wala silang balak na ipatupad ang panininigil ng toll fee sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay matapos sabihin ni DOTr Road Sector Consultant Assistant Secretary Alberto Suansing sa isang panayam na pinag-aaralan umano ng ilang opisyal ng pamahalaan ang pagsingil ng bayad sa mga motoristang dumadaan sa EDSA lalo na kapag rush hour.

Imahe mula sa Wheels.ph

“I call it ‘road pricing. Ginagawa ‘yan sa Singapore and some other places,” ani Suansing sa panayam ng Teleradyo. “Ang purpose ng congestion charge is to dissuade ‘yung mga motorista na kung hindi naman gaano kaimportante ang kanilang lakad… puwede nilang ipagpaliban.

Ayon pa kay Suansing, dati na itong napag-usapan panahon pa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin Abalos.

Subalit kaagad nilinaw ng DOTr na ang konseptong ito ay suhestiyon lamang ng ilang stakeholders at hindi pa pormal na napag-uusapan.

“The DOTr welcomes suggestions that will improve mobility and order of public transportation. However, a suggestion does not translate automatically into a proposal nor a project for implementation. Like any project, it has to go through the proper process,” ayon sa pahayag ng ahensiya.

Screenshot mula sa DOTr Facebook

Patuloy na hinahanapan ng solusyon ng gobyerno kung paano mapagagaan ang traffic sa EDSA kung saan halos 400,000 sasakyan ang dumadaan bawat araw.

Ilang panukala na rin ang sinubukang ipatupad ng MMDA nitong mga nagdaang taon subalit lahat na ito’y nabigong resolbahin ang problema.

Ayon sa pag-aaral ng National Economic Development Authority (NEDA) sa pakikipagtulungan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), aabot sa P2.4-B kada arawa ang nalugi sa ekonomiya ng bansa noong 2014 dahil sa trapik sa Metro Manila. Tumaas ito sa P3.5-B noong 2017 at inaasahang papalo sa ?5.4-B taong 2035 kapag hindi ito nasolusyunan kaagad.

Loading…