Government officials hindi dapat libre sa COVID-19 vaccine

Imahe mula sa Pixabay
  • Hindi dapat libre sa COVID-19 vaccine ang mga government officials
  • Sinabi ni Rep. Lawrence Fortun na dapat sariling pera ang gamitin ng mga opisyal dahil malalaki naman ang suweldo ng mga ito
  • Ang COVID-19 vaccine ay inaasahang magiging available sa buwan ng Disyembre ngayong taon

Hindi dapat kasali ang mga government officials at pamilya nila sa libreng COVID-19 vaccine sakaling magkaroon na nito sa Pilipinas sa buwan ng Disyembre, ayon kay Agusan Del Norte F1st District Representative Lawrence Fortun.

Imahe mula sa Pixabay

Ang pahayag ng mambabatas ay bunsod ng  naunang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa ang pamahalaan na maglaan ng dalawampung bilyong piso para makabili ng COVID-19 vaccine na ibibigay nang libre para sa 20 milyong Pilipino.

Sabi ni Rep. Fortun, ang mga opisyal ng pamahalaan, elected man o appointed o career official na may ranggong division chief hanggang sa Presidente ay hindi dapat makinabang sa libreng bakuna.

“Sa free vaccines for 20 million Filipinos, hindi dapat kasama kahit sinong opisyal ng gobyerno at kanilang pamilya, elected man o appointed o career official na may ranggong division chief pataas hanggang Pangulo,” aniya.

Kayang-kaya umanong magbayad ng mga government officials para sa pagpapabakuna dahil malalaki naman ang kanilang mga suweldo.

Imahe mula sa Daily Guardian

“Personal na gastos dapat nila ang kanilang COVID-19 vaccine. Matataas ang kanilang suweldo at income, so kaya nilang magpabakuna sa pribadong sektor gamit ang sariling pera,” giit ng mambabatas.

“Nakasaad na sa House Resolution 6865 on PCR Testing ang listahan ng mga vulnerable sectors na dapat bigyan ng prayoridad sa free vaccines, pero dapat minus diyan ang mga government officials na Salary Grade 24 pataas,” paliwanag pa niya.

Iminungkahi rin ni Rep. Fortun na dapat i-subsidize ng PhilHealth ang vaccine cost para sa sa mga middle class, ordinaryong empleyado at sa informal workers kahit nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na libre din ang vaccine para sa middle class.

Imahe mula sa PCOO

Loading…