Hair Time: Arnold Clavio ibinida ang pagpapaayos ng buhok sa gitna ng Sarah Balabagan controversy

Imahe mula sa Instagram accout ni Arnold Clavio
  • Arnold Clavio nag-post sa social media ng larawan habang nagpapaayos ng buhok
  • Tila hindi alintana ng batikang broadcast journalist ang mainit na usap-usapan nang ibunyag ni Sarah Balabagan na siya ang ama ng panganay nitong anak
  • Dahil sa rebelasyon ni Sarah Balabagan ay nabatikos si Arnold Clavio

Tila hindi alintana ng batikang broadcast journalist na si Arnold Clavio ang mainit na balita tungkol sa ginawang pagsisiwalat ni Sarah Balabagan na ang ama ng kanyang panganay na anak ay walang iba kundi siya.

Imahe mula sa Instagram accout ni Arnold Clavio

Sa gitna ng kontrobersya, ibinahagi ni Arnold Clavio, kilala sa tawag na “Igan,” ang ilang larawan niya habang nagpapaayos ng buhok sa isang popular na Korean hair salon na naka-base sa bansa.

“Hair time!!! Thank you Susi and all the staff of @bangstonyjackey,” post ni Igan sa kanyang Instagram account.

Nakatanggap ng mga pambabatikos si Arnold Clavio mula sa mga netizens dahil sa rebelasyon ni Sarah Balabagan at lalo pang nadagdagan ang inis at galit sa kanya sa social media dahil sa larawang ipinost niya sa Instagram habang inaayusan ng buhok.

Noong August 21, 2020 ay binasag ni Sarah Balabagan ang kanyang pananahimik sa loob ng mahigit dalawang dekada tungkol sa pagkakakilanlan ng ama ng kanyang panganay na anak.

BASAHIN: Sarah Balabagan inaming si Arnold Clavio ang ama ng kaniyang panganay

Sa pamamagitan ng Facebook Live ipinaliwanag niya kung bakit ngayon lang niya iyon ginawa. Aniya, ginawa niya ito matapos muling mag-viral ang isang post tungkol sa isyu at nabanggit ang kaniyang pangalan. Para rin daw ito sa kaniyang 22-anyos na panganay na anak upang maituwid na ang mga haka-haka tungkol sa pagkatao nito.

Imahe mula sa Instagram account ni Arnold Clavio

“Iyon lamang po, inaamin ko na si Arnold Clavio po ang tatay ng panganay ko pong anak,” bahagi ng pagbubunyag na ginawa ni Sarah Balabagan.

Ayon pa sa kanya, humanga siya sa asawa ni Arnold Clavio dahil ito pa raw ang nag-reach-out sa kanya noon sa pamamagitan ng social media upang sabihin na napatawad na siya nito.

Sa kasalukuyan ay masaya at tahimik nang naninirahan sa Las Vegas si Sarah kasama ang kaniyang mister na si Jun Sereno. Mayroon silang dalawang anak.

Screenshot mula sa Facebook video ni Sarah Balabagan

Loading…