He must be smiling in heaven: Mga anak ni Cesar Apolinario nagtapos with honors

Imahe mula sa Instagram | Kara David
  • Nagtapos na may honors at high honors ang tatlong anak ng pumanaw na Kapuso reporter na si Cesar Apolinario na sina Remus, Sofia, at Athena
  • Ibinalita ito ni Kara David na nagbigay ng scholarship sa magkakapatid sa ilalim ng kaniyang Project Malasakit
  • Yumao si Cesar noong Disyembre 2019 dahil sa sakit na lymphoma

Tiyak na proud ang yumaong GMA reporter na si Cesar Apolinario dahil nagtapos ang kaniyang mga anak nang may honors.

Imahe mula sa Facebook | Kara David

Sa isang Instagram post ay ibinalita ito ni Kara David, na nagbigay ng scholarship sa ilalim ng Project Malasakit sa magkakapatid na sina Remus Cesar, Sofia Ysabell, at Athena Joyce Apolinario.

“Very proud of our Project Malasakit scholars Remus, Sofia, and Athena who all graduated with honors this year at Eastern Star Academy. Congratulations! Cesar must be smiling in heaven,” ani Kara.

Nagtapos bilang with honors sina Remus at Athena habang with high honors naman si Sofia.

Matatandaang kinuha ni Kara na scholars ang magkakapatid matapos pumanaw ang kanilang ama dahil sa lymphoma noong Disyembre 2019.

Imahe mula sa Facebook | Jhoy Apolinario

“Si Cesar Apolinario Jr. ang isa sa mga pinakamapagbigay na taong kilala ko. Hindi siya mayaman sa pera, pero mayaman siya sa malasakit. Marami siyang natulungang mga tao at komunidad,” saad ni Kara sa isang post.

Bilang breadwinner ng pamilya ay nagsikap si Cesar hanggang sa naging isa siyang reporter.

“Inilaan niya ang kaniyang buong buhay sa pagtataguyod sa kaniyang mga anak at pagtulong sa kaniyang kapwa. Dahil dito ay hindi siya mamamatay sa ating pus0,” dagdag niya. “Ngayong wala na siya, tayo naman ang magmalasakit kay Cesar. Ipagpatuloy natin ang pangarap ni Cesar sa kaniyang mga anak.”

Sa mga nais na tumulong sa educational fund ng mga anak  ni Cesar, maaaring pumunta sa http://www.projectmalasakit.ph/ o magpadala sa Bank of the Philippine Islands (BPI). Name: Project Malasakit Inc. Number: 3081-1136-79

Loading…