Health workers group isinisi sa rapid antibody test ang pagdami ng COVID-19 cases

Screenshot mula sa GMA video
  • Rapid antibody test, sinisisi ng isang health worker group sa pagdami ng COVID-19 cases sa bansa
  • Sinabi ng Healthcare Professions Alliance Against COVID-19 na 50% lang ang accuracy ng rapid test
  • Hinihikayat ng grupo na huwag nang gumamit ng rapid antibody test bilang requirement sa pagbabalik-trabaho ng mga manggagawa

Nagbabala ang isang grupo ng mga health workers na ang paggamit ng rapid antibody test ay posibleng isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng coronavirus infection sa bansa.

Imahe mula sa Medium

Sinabi ng grupo na kadalasan ay 50% lang ang accuracy ng rapid test kits.

Pahayag ni Dr. Antonio Dans, tagapagsalita ng Healthcare Professions Alliance Against COVID-19, ang malawakang paggamit ng mga local government units at iba pang mga tanggapan sa rapid test kits bilang requirement sa mga workers na nagbabalik-trabaho ay maaaring naging dahilan kung bakit dumami ang COVID-19 cases sa bansa.

“Hindi po ‘yan accurate (ang rapid test kit). Nagbigay na ng babala ang  WHO (World Health Organization). Kung may 10 tao na may COVID-19, lima hindi niya nahahanap. Nagkakamali siya sa 50 percent,” pahayag ni Dr. Dans sa isang panayam.

Bilang paghahalimbawa, sinabi niya na minsan ang mga workers na may sintomas ng COVID-19 gaya ng sipon, ubo at lagnat ay nagnenegatibo sa rapid antibody test at pinapayagang pumasok sa trabaho. At dahil nasa 50% lang ang accuracy ng rapid test, posibleng ang kalahati ng mga sinasabing negatibo ay positibo pala sa COVID-19.

“Biro n’yo, may ubo’t sipon at lagnat, tapos gagawan n’yo ng antibody test, kalahati nun ay negative e di pauuwiin, papayagang magtrabaho, e ‘di manghahawa. Tingin ng marami sa amin, kaya lumala nang ganito ay dahil sa antibody test na ‘yan,” ani Dr. Dans.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ang US Centers for Disease Control and Prevention ay nagbigay na rin noon ng babala laban sa paggamit ng rapid antibody test dahil hindi umano accurate ang resultang ibinibigay.

Hinihikayat niya ang mga pribadong kumpanya na kung maaari ay itago na lang at huwag nang gamitin pa ang rapid antibody test bilang requirement sa pagbabalik-trabaho ng mga kawani. Aniya, mas mainam na swab test (real-time reverse transcription polymerase chain reaction-based test) ang gawin.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN
Source :

ABS-CBN, One News

Loading…