Heart Evangelista sinabing ‘never’ siyang kakandidato sa Sorsogon

Image by Heart Evangelista via Facebook
  • Heart Evangelista sinabing “never” niyang papasukin ang pulitika sa Sorsogon
  • Hindi ito ang unang pagkakataon na naitanong sa kanya ang pagpasok sa pulitika
  • Aniya, “Politics is not for me. I can help without that kind of power”

Sa dami ng napapabilib sa mga pagtulong na isinasagawa ng Kapuso Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista lalo na ngayong panahon ng pandemya, marami ang napapatanong kung may balak ba itong pasukin ang mundo ng pulitika sa Sorsogon.

Ang sagot niya, “never.”

Image by Heart Evangelista via Facebook

Natanong ito ng netizen makaraang ibahagi ni Evangelista ang larawan ng mga magagandang hand-painted bags na gawa ng Sorsogon artists at ang mapagbebentahan nito ay itutulong sa mga estudyante sa isang pampublikong paaralan sa lalawigan.

“Are you going to run for politics in Sorsogon? Just curious. Stay safe! @iamhearte,” ang komento ng isang netizen. Sinagot niya ito ng “never.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na naitanong sa kanya ang pagpasok sa pulitika lalo pa’t kasalukuyang gobernador ng lalawigan ng Sorsogon ang kanyang asawa na si Chiz Escudero.

Pero, sabi ni Evangelista, “Politics is not for me. I can help without that kind of power.”

Nauna na ring nag-trending ang pamimigay nito ng tablets para sa mga estudyante para maipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng online schooling ngayong panahon ng pandemya.

Heart Evangelista, mamimigay ng vitamin C sa mga Grab drivers, guwardiya, at mga staff ng ospital

Dagdag pa rito ang mga bitaminang ipinamahagi niya sa mga frontliners kagaya ng food delivery workers, guards, medical workers at iba pa na silang nangunguna sa pakikibaka ng bansa sa panahon ng COVID-19.

“We fight as one. Sending some Vitamin C to our unsung heroes—Grab drivers, guards, hospital staff, and also some to Sorsogon.

“Hoping and praying that this will be over soon,” aniya.

Talagang kapuri-puri ang mga pagtulong na patuloy na isinasagawa ni Evangelista!

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Loading…