Hello AlDubNation: Alden looking forward sa proyekto kasama si Maine

  • Alden Richards looking forward pala sa paggawa ng pelikula o teleserye kasama si Maine Mendoza
  • Aniya, mas komportable silang dalawa sa isa’t-isa
  • Alden: “Masaya kami. Mas buo kami ngayon”

Sino ba naman ang makalilimot sa phenomenal Kalyeserye segment ng Eat Bulaga!? Dahil dito, miyun-milyong Pilipino ang kinilig sa split screen interaction nina Alden Richards at Maine Mendoza na nakagawa pa ng kasaysayan sa Twitter at Philippine Arena.

Kaya’t ang tanong ng madla, magkakasama pa kaya sina Alden at Maine sa teleserye o pelikula?

Sa virtual press conference ng isang vitamin product, sinabi ng aktor na looking forward siya na makatrabahong muli ang aktres lalo pa’t mas komportable na silang dalawa at kitang-kita ang kulitan at asaran nila sa noontime show.

Wika niya, “Sa ngayon we are very comfortable sa isa’t-isa, sa ginagawa namin sa Eat Bulaga. Masaya kami. Mas buo kami ngayon.”

Pero gustuhin man ng Pambansang Bae, malabo muna aniya itong maisakatuparan ngayon dahil sa pandemya.

Binanggit niya na mayroon siyang nakalinyang pelikula na magkakaroon ng taping sa ibang bansa pero hindi muna ito itinuloy dahil sa nagaganap sa kasalukuyan.

Matatandaang bumida sila sa GMA soap na Destined To Be Yours at napanood din sa mga pelikulang My Bebe Love, Imagine You and Me at Love is….

Sakali mang magkaroon ng proyekto ang AlDub, malaki pa rin ang hatak nila sa masa lalo pa’t nagtre-trending pa sa Twitter ang ilan sa mga ganap sa kanilang buhay.

May income sa pagiging video game livestreamer – Alden Richards

Maliban sa trabaho sa noontime show, rumaraket din si Alden sa pagla-livestream ng video games.

Imahe mula sa instagram account ni Alden Richards

Pahayag niya, “It’s really a career. Being a livestreamer, being a gamer, helps you earn money as well. May income du’n.”

Kabilang sa mga paborito niyang online games ang Ragnarok Mobile, Call of Duty at ang Mobile Legends: Bang Bang.

Imahe mula sa Facebook-Alden Richards

Loading…