High-ranking officials ng PhilHealth handang magpa-lifestyle check

Imahe mula sa UNTV
  • Handang magpasailalim sa lifestyle check at imbestigasyon ang ilang matataas na opisyal ng PhilHealth
  • Ito ay upang pasinungalingan ang ibinibintang na katiwalian sa ahensya
  • Nag-utos si Pangulong Duterte na magtatag ng inter-agency task force na mag-iimbestiga sa mga alegasyon

Handa ang ilang matataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sumailalim sa lifestyle check and investigation ng pamahalaan upang patotohanan na hindi sila sangkot sa ibinibintang na katiwalian.

Imahe mula sa UNTV

Ang pahayag ng mga PhilHealth officials ay kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng isang inter-agency task force na magsasagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng katiwalian sa state-owned health insurer.

Ayon sa tagapagsalita ng PhilHealth na si Gigi Domingo, handa ang ahensya sa anumang imbestigasyon.

“In fact, early today the Execom (Executive Committee) members agreed voluntarily to submit themselves to lifestyle checks to be conducted by any government agency,” sabi ni Domingo.

Naglabas din ng katulad na pahayag ang PhilHealth sa social media.

“In a move to belie any allegations of corruption, PhilHealth’s Executive Committee and some senior officers have volunteered themselves to lifestyle checks to be conducted by any authorized agency of government,” post ng ahensya sa Twitter.

Screenshot ng tweet ng Philhealth

Si Arian Granali, ang PhilHealth Regional Office Division Chief, ay nauna nang nagpahayag ng kahandaan sa anumang lifestyle check. Sa katunayan, nagbigay na siya ng kopya ng kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) kay Atty. Manuelito R. Luna, commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission.

“As a public servant, I am heeding the order of President Duterte for us to submit to lifestyle check and investigation. I will submit my assets and bank accounts to the investigation as well. This is the best way to show that I am not hiding anything,” ani Granali.

Imahe mula sa PACC

Ang utos ng Pangulo na imbestigahan ang PhilHealth ay kasunod ng mga alegasyong ibinulsa ng ilang opisyal nito ang tinatayang P15 billion pondo mula sa IT project nito.

Source :

GMA Network, PACC

Loading…