High-tech face shield at quarantine pass na nilikha ng isang video editor kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang “high-tech face shield” 
  • Ginawa ito ng video editor upang maghatid ng good vibes
  • Game na game naman ang mga netizens at kunwari ay interesadong makabili nito

Kung kamakailan lamang ay pinag-usapan ang “Encantadia-inspired” face shield na ginawa ng isang babaeng netizen, hindi naman pahuhuli ang isang video editor sa kaniyang “high-tech face shield” na nagdulot ng good vibes sa mga kapwa-netizens.

Pashnea! Face shield na halaw mula sa “Encantadia”, nagdulot ng tuwa

Batay sa Facebook post ni Mosh Magbanua na itinampok din sa page na “Papa,” ipinakita niya ang suot na high-tech face shield na naglalaman ng iba’t ibang espesyal na feature kagaya ng “COVID-19 proximity sensor.”

Imahe mula sa Facebook page ni Mosh Magbanua

“FACE SHIELD (On hand pm is the key). 16gb ram, RGB, COVID proximity sensor, Spotify control, 5G ready. LIMITED STOCKS,” ayon sa kaniyang caption. Kabilib-bilib naman talaga ang pagkaka-edit niya sa kaniyang high-tech face shield, na isa sa mga pangangailangan ngayon upang maprotektahan ang sarili at kapwa mula sa virus.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Teka. Recommended ba ng IATF itong specs ng face shield mo? Hahaha. Ang galing! Congratulations,” sabi ng isa.

Pabirong turan naman ng isa, “Ask ko lang po. Puwede po ba mag-install sa face shield na iyan ng Netflix na apps? COD po puwede?”

“Super aliw! Pabili nga po para sa mga frontliners natin,” pabirong banat naman ng isa.

Game na game naman ang uploader na ito at sinagot ang tanong kung mabilis ba itong ma-low batt o mawalan ng battery power.

“12 hours po, pero naka-on yung bluetooth, data and wifi 6 hours lang. May USB port naman para sa powerbank and solar cells coated yung acetate kaya nagcha-charge when used outdoors,” pabirong paliwanag niya.

Si Mosh Magbanua ay isang video editor, videographer at photographer. Ginawa niya ang editing ng kaniyang patok na high-tech face shield sa sikat at tipikal na Adobe Photoshop. Bukod dito, ginawan din niya ng editing ang mga frontliners bilang mga superhero at high-tech quarantine pass. Ang galing!

Imahe mula sa Facebook page ni Mosh Magbanua

“I edited this photo not to make fun of it or the situation but just to make people smile a bit sa panahong ito na puro bad vibes and worry ang nakikita sa media,” aniya.

Handa ka bang magsuot ng high-tech face shield?

Source :

Facebook, DF News

Loading…