Hindi ka rin ba makatulog kapag walang yakap na unan?

  • Isa ka rin ba sa mga hindi makatulog nang walang yakap na unan?
  • Iyan ang itinampok ng isang Facebook page
  • Ayon naman sa mga pag-aaral, mas mainam matulog kapag walang unan

Isa sa mga pangangailangan ng tao ang sapat na tulog. Ito ang panahon kung saan muling naipanunumbalik ng katawan ang lakas nito, na kinakailangan sa pagpapalakas naman ng resistensiya upang may maipanlaban sa sakit. Iba-iba ang mekanismo ng mga tao sa pagtulog: may ilang hindi makatulog kapag mainit, maginaw, may ilaw, o kaya naman  ay walang kayakap na unan.

Iyan ang itinampok sa Facebook page na “Tata Lino.”

Ayon sa caption, “Who else can’t sleep without a pillow beside them?”

Imahe mula sa Facebook page na Tata Lino /Public Domain Image

Kinaaliwan naman ito ng mga netizens at nagbigay sila ng kanilang reaksyon at komento hinggil dito.

“Yes, ako hindi ako makatulog kapag walang katabi, o kaya naman kapag walang kayakap na unan. Kaya hindi ko pinapayagang umalis ang asawa ko kasi di ako makatulog kapag wala siya, hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Napakasarap kaya sa pakiramdam kapag may kayakap na unan. Iyan na lang ang nayayakap ko sa tanang buhay ko, walang ibang mayayakap eh hahaha.”

“Sa panahon ng pandemya, bawal muna ang yakapan at direct contact hahaha,” wika naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Sabi sa nabasa ko may psychological reasons daw kung bakit may mga taong hindi nakakatulog kapag walang yakap na unan, o kaya naman kapag walang katabi.”

Ayon sa artikulo ng “The Trending Planet” noong Nobyembre 15, 2018, bagama’t may ilang mga taong mahimbing ang tulog kapag gumagamit ng unan, mas makabubuti raw sa katawan ang hindi paggamit nito. Nakapagtala sila ng pitong dahilan. Una, maiiwasan daw ang pagkakaroon ng tigyawat o acne gayundin ang wrinkles. Maaari daw kasing dumikit sa mukha ang mga duming nasa punda o telang balot ng mga unan.

Public Domain Image

Pangalawa, maiiwasan ang pananakit ng likuran. Pangatlo, mas maganda at maayos umano ang pagtulog dahil ayon sa pag-aaral, napipigilan nito ang insomnia o pagkakaistorbo sa pagtulog. Pang-apat, mapipigilan ang pagkakaroon ng stress. Ang maling posisyon o puwesto sa pagtulog ay nakapagbibigay ng stress sa katawan.

Panlima, napapatalas umano nito ang memorya. Pang-anim, mapipigilan umano ang pagkakaroon ng flat head syndrome sa mga sanggol. Pampito, mapipigilan umano ang pagkakaroon ng neck strain o pananakit ng leeg.

Loading…