Hotel sa Makati may “whole-day meal plan” offer sa presyong puhunan lang

Imahe mula sa Makati Diamond Residences
  • Makati Diamond Hotel may alok na whole-day meal plan sa presyong puhunan lang plus labor cost
  • Tinawag na “Alfred at Cost” ang meal plan offerings
  • Ginawa ito ng hotel upang patuloy na mabigyan ng trabaho ang kanilang kitchen staff sa gitna ng pandemya

Kabilang sa mga industriya na matinding naapektuhan ng mga ipinatutupad na lockdown ang hotel and travel industry dahil sa global health crisis. Isa na rito ang Makati Diamond Residences na matatagpuan sa Legazpi Street, Legazpi Village, Makati City.

Imahe mula sa Makati Diamond Residences

Maagap namang nakaisip ng solusyon ang nasabing hotel upang patuloy na mabigyan ng trabaho ang kanilang kitchen staff.

Inanunsyo nito sa social media ang offer nilang family meal plans para sa isang buong araw na sapat para sa apat hanggang anim na tao. Balik-puhunan lang ang presyo ng masarap na pagkain plus labor cost. Tinawag nila itong “Alfred at Cost.”

“Help us keep our kitchen staff. For the next two months, we will be offering whole day family meals at cost, charging for food cost and labor only. Let us take care of all your market shopping and cooking for your family while helping our chefs keep their jobs,” post ng Makati Diamond Residences sa Facebook page nito.

Ang weekday meal plan na may 7 dishes ay nagkakahalaga ng P2,500 at ang weekend meal plan naman na may 10 dishes ay nagkakahalaga ng P3,500.

Imahe mula sa Makati Diamond Residences

Required ang one day advanced notice sa isang order. Advanced naman ng tatlong araw ang pag-order kung 10 meal sets o higit pa ang oorderin.

“Order by calling +632 5317 0999 local 1116 or +63917 636 4875 from 7:00 am to 7:00 pm. Payment is via bank transfer. For self pick-up or rider pick-up using preferred service provider. Pick-up and delivery service arrangements and charges are to be handled by the customer,” post pa ng hotel.

Narito ang ilan sa weekday meal sets:

Imahe mula sa Makati Diamond Residences

August 10:

Cheese Rolls, Bacon Emmenthaler Tartlets, Grilled French Beans with Garlic, Apahap with Gremolata, Chicken Milanese with Tomato Sauce, Swordfish Polpettini with Fisherman’s Sauce at Penne Amatriciana with Feta Cheese

August 11:

Corned Beef Pandesal, Risotto Balls with Mozzarella, Grilled Vegetables with Pesto Sauce, Grilled Octopus with Salsa Verde, Mustard Chicken with Soft Egg, Pork Spiedini with Soffritto at PEcorini Pudding

Narito naman ang weekend meal set para sa August 15:

Mini Croissants, Mejilliones Tigres, Turnip and Spinach Confit, Pork Scallopini with Apple and Mustard Cream Sauce, Prawns in Crispy Garlic, Chili, Baked Snapper with Horseradish Sauce, Slow Roasted Beef Belly with Cognac Sauce, Saffron Chicken Pacherri, Mushroom Rice Pilaf at Supermoist Chocolate Cake

Imahe mula sa Makati Diamond Residences

Loading…