House-to house pre-registration para sa National ID maaaring simulan sa Oktubre

Imahe mula sa PSA
  • House-to-hourse pre-registration para sa National ID posibleng simulan sa Oktubre
  • Layunin ng pre-registration process na paiklin ang panahong gugugulin ng mga tao sa mga registration centers
  • Pangalan, address at iba pang demographic information ang kukunin sa bahay habang ang mga biometric information tulad ng fingerprints, iris scans at litrato ay sa registration centers gagawin

Maaaring simulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang house-to-house pre-registration process para sa National ID System sa Oktubre bilang paghahanda sa nakatakdang mass registration, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua.

Imahe mula sa PCOO

Layunin ng pre-registration process na paikliin ang panahong gugugulin ng mga tao sa mga registration centers.

Sa ilalim ng ganitong sistema, ang mga pangalan; edad at iba pang demographic information ay kokolektahin sa bahay ng mga mamamayan habang ang mga biometric information tulad ng fingerprints, iris scans at front-facing photographs ay kukunin sa registration centers sa itatakdang petsa ng appointment.

“Starting October, we can start the house-to-house pre-registration. There will be an appointment system in which you will only go to registration centers for the biometrics,” sabi ni Sec. Karl Chua.

Sa pamamagitan nito ay maayos na maipatutupad ang social distancing requirements ngayong may pandemya at para na rin mabawasan ang bilang ng mga taong inaasahang sabay-sabay na magtutungo at pipila para magparehistro.

Imahe mula sa PSA

Sinabi ng PSA na bibigyan ng prayoridad ang mga “unbanked, low-income families” sa National ID System.

Ang National ID System o Philippine Identification System (PhylSys) ay naglalayong mabigyan ng valid proof of identity ang lahat ng mga Pilipino at resident aliens.

Sa pamamagitan nito, magiging mas madali at simple ang mga transaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan dahil isang ID na lang ang kanilang dapat ipakita. Maaari na ring makapagbukas ng bank account ang maraming Pinoy na hirap magbigay ng ilang ID na hinihingi ng mga bangko.

Imahe mula sa PSA

Limang milyong heads of the family ang inaasahng mairerehistro ngayong taon at 40 million naman sa susunod na taon.

Nilinaw ni Sec. Chua na depende rin umano iyon sa quarantine status ng bansa. Kung GCQ ay mas mapapabilis umano ang proseso, pero kailangan din ang ibayong pag-iingat dahil hindi dapat makompromiso ang kalusugan ng mga mamamayan.

Loading…