Huling liham ng Sulu hero, kinaantigan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Josephine Jaron Codilla
  • Sumaludo ang netizens sa kabayanihan ng isang sundalo na pumanaw matapos ang engkwentro sa Sulu
  • Nakapag-iwan pa siya ng liham para sa mga mahal sa buhay na nagsasabing hindi pa siya mawawala
  • Naulila niya ang kaniyang asawa at nag-iisang anak

Kinaantigan ang sulat na iniwan ng isang sundalong napaslang sa engkwentro sa Sulu noong Agosto 4.

Imahe mula sa Facebook | Josephine Jaron Codilla

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Josephine Jaron Codilla ang larawan ng mga sulat ni CPL Mark Dennis Diaz ng 3rd Scout Ranger Battalion ng Philippine Army. “We announce with great sadness the death of CPL Mark Dennis Diaz…Corporal Diaz was w0unded during an encounter in Sulu and died at 6:12 this evening,” ani Josephine.

Sa kaniyang sulat ay ibinilin niya sa kaniyang mga mahal sa buhay na ‘wag pabayaan ang sarili. “Mahal ko kayo,” paalala pa ni Diaz. “‘Yong mga sasakyan ko, motor, ikaw na bahala. Di pa ako mamamatay.”

Sinaluduhan din ni Josephine ang pumanaw na sundalo sa kaniyang kabayanihan.

“It pains us to see Mark leave Norilyn and Jack Daniel behind at a very young age. Taos-pus0ng pakikiramay sa Pamilya Diaz at Garcia sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan. Thank you, Mark, for your great service to the nation.”

Imahe mula sa Facebook | Josephine Jaron Codilla

Nag-iwan din ng kanilang mensahe ang netizens para kay Mark at sa kaniyang naiwang pamilya. “Kung puwede lang sana at kung may pagkakataon pa, gusto niya pa bumalik at makasama anak at asawa niya. Nakalulungk0t, sir. Bata ka pa,” ani Victorino C.

“Maraming salamat po sa buhay na iyong inialay para sa aming lahat. Saludo at respeto. Prayers for the family,” sabi naman ni Michael G.

“Nakakaiyak naman ito. He was a kind and generous friend po when he was assigned here in Basilan. Our condolences po,” komento naman ni Moodz H.

Pagsaludo sa mga sundalong handang ialay ang kanilang buhay para sa kapayapaan.

Source :

Facebook

Loading…