“I realized God has something for me”: Blogger Banat By nagpositibo sa COVID-19

Screenshot mula sa YT video ni Banat By
  • Nagpositibo sa COVID-19 ang kontrobersiyal na blogger na si Banat By
  • Si Banat By ay kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte at malapit kay Mocha Uson
  • Nagpaabot naman ng simpatiya si Angel Locsin sa blogger na madalas siyang batikusin

Nitong Martes, ibinahagi ni Banat By sa kaniyang Facebook na nagpositibo umano siya sa coronavirus matapos lumabas ang resulta ng kaniyang swab test.

Si Banat By, o Byron Cristobal, ang kontrobersiyal na blogger na kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at malapit kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson.

Screenshot ng Facebook post ni Banat By

Ayon kay Cristobal, noong Agosto 6 na nagkataong birthday pa naman niya, ay hindi na maganda ang kaniyang pakiramdam. Sinubukan niya umanong uminom ng gamot para sa kaniyang asthma at nagpahinga sa pag-asang bubuti ang kaniyang kalagayan.

“After 3 days i was well i thought everything is ok pero hindi pala. When i tried to be strong and in control the more I become weak,” kuwento ni Cristobal.

“I realized God has something for me. Ironically birthday ko pa. Sabi ko nga sa sarili what a birthday gift from you Lord if this is Covid,” dagdag pa nito sa kaniyang post.

Noong Linggo, Agosto 16, nagpasiya na siyang magpa-swab test at doon nga niya nalaman na positibo siya sa COVID-19 matapos dumating ang resulta pagkaraan ng dalawang araw.

Gayunpaman, hindi umano tungkol sa sarili niya ang ginawang pagbabahagi ng kaniyang pinagdadaanan.

Screenshot ng YT video ni Banat By

“This post is not about me this is about 1st kay Lord na alam ko mahal niya ako thats why he is disciplining me to take life slowly and reevaluate what matters more in life,” bahagi pa ng blogger.

Tungkol din umano ito sa mga frontliners na siyang tunay na bida sa panahong ito.

“Sila ang bida dito hindi ako. Sila ang gusto kong bigyan pansin dito. Ang kanila sakripisyo at pagmamahal sa ating bayan kahit alam natin minsan ay d sapat ang kanilang nakukuha sa kabila ng effort ng ating pamahalaan ibigay sa kanila ang lahat,” patuloy pa ni Cristobal.

Imahe mula Sa Twitter ni Angel Locsin

Samantala, nagpaabot naman ng simpatiya si Angel Locsin bagama’t hindi niya tuwirang binanggit si Banat By sa kaniyang Twitter post.

“I’ve been receiving messages about a vlogger who’s been habitually criticizing me and is now positive of Covid. Let’s not wish ill of him. Nobody deserves Covid. Hope you get well soon,” ani Angel.

Si Angel ay isa sa madalas batikusin ni Banat By sa kaniyang blog dahil sa pagiging kritiko ng aktres sa kasalukuyang administrasyon.

Loading…