IBC-13 marami umanong paglabag sa batas; ilang mga empleyado nag-aklas

  • May mga akusasyon ng anomalya at iregularidad ang mga unyon ng empleyado sa pamunuan ng IBC-13 network
  • Hindi pa raw sila nababayaran sa ilang mga benepisyo at hindi pa nauumentuhan sa sahod na ipinangako nila noon, dahil sa bankruptcy
  • Inamin mismo ng IBC-13 OIC na nasa “financial struggle” ang network na isang “state-run tv station”

Nag-aklas ang unyon ng mga empleyado ng IBC-13 sa umano’y “mismanagement” at hindi pa bayad na suweldo ng mga manggagawa ng naturang network na pinatatakbo ng pamahalaan, dahil sa alegasyon ng anomalya at iregularidad sa pamunuan. Bangkarote na umano ang kompanya.

Ayon sa Intercontinental Broadcasting Corporation-Employees Union (IBC-EU), “It is ironic that instead of collecting revenues, the company saw a seeming verge of bankruptcy due to a stingy deal. We cannot help but wonder why the Presidential Communications Operations Office (PCOO), mother department of IBC-13, and other concerned agencies bent to the agreement.”

Public Domain Image

Ayon pa rin sa kanila, wala pang natatanggap na umento sa sahod ang mga empleyado ng naturang network simula pa noong 2008. Pahayag nila,  “The promised 278 million pesos to cover for unpaid benefits of employees was never realized because until now the company’s financial obligations remain ceiling-high, both for active and retired employees.”

Dagdag pa nila, “Salaries of these confidential employees are also appallingly not constant as their rates increase or decrease every now and then, but the amount of their gross pay remains. Their monthly perks and allowances are far more than the annual pay an ordinary employee receives.

Sa pagpapatuloy, “Some of them (na tumutukoy sa mga retiradong empleyado) have already died deprived of the benefits from working almost half their lifetime with the company with commitment and dedication while the rest continue to fight and beg with IBC-13 for the financial benefits that are rightfully theirs.”

Ayon naman kay IBC-13 Officer-In-Charge Corazon Reboroso, ginagawa raw nila ang lahat upang maresolba ang concern o hinaing ng mga empleyado, kahit na dumaranas ngayon ng “financial struggles” ang network.

Public Domain Image

“Walang pagkukunan ng pera sa IBC-13 so may agreement ang union and staff management for a CBA increase moratorium,” aniya.

Dagdag pa niya, “Kung ‘di kami nabigyan ni DBM ng budget, (na tumutukoy sa Department of Budget and Management), walang panggastos during the lockdown. Wala kami talagang pera kasi noong nawala primetime.”

Paglilinaw din niya, unfair para sa kalagayan ng IBC-13 na ihambing ito sa mga anomalyang nangyayari sa PhilHealth, na ngayon ay iniimbestigahan dahil sa alegasyon ng katiwalian. Aniya, nakasalalay sa revenue o kita ang network habang ang PhilHealth naman ay pinopondohang institusyon.

Loading…