Ilang OFW sa Russia papayag sakaling alukin sa clinical trial ng COVID vaccine

Imahe mula sa First Post
  • Handang sumailalim sa clinical trial ng ‘Sputnik V’ vaccine ang ilang OFW sa Russia
  • Tiwala umano sila sa kakayahan ng Russia na tumuklas ng bakuna para sa malalang sakit
  • Nagpahayag din ang Pilipinas ng kahandaan na makipagtulungan sa Russia para sa clinical trials, supply at production

Handa ang ilang OFW sa Russia na lumahok sa gagawing clinical trial ng bagong tuklas na COVID-19 vaccine na tinawag na ‘Sputnik V’.

Magugunitang inanunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na aprubado na ang ‘Sputnik V’ para gamitin sa nakatakdang mass vaccination ngayong darating na Oktubre.

Katunayan umano, isa sa kaniyang mga anak na babae ay naturukan na nito bilang bahagi ng eksperimento.

Imahe mula sa Facebook

Dahil dito, payag naman ang ilang mga Pilipino sa Russia na sumali sakaling alukin sila sa gagawing clinical trial ng bakuna.

Sa panayam ng GMA News kay Nico Castor, isang OFW na 11 taon nang nagtatrabaho doon, bukas sila umano sa alok na clinical trial ng ‘Sputnik V’ bagama’t mayroon ding konting pag-aaala.

“Sa kaba po, siguro mayroon pero mas higit po ‘yong excitement siguro. Nananalangin po ako na sana ito’y epektibo,” ani Castor.

Ayon pa sa OFW, naniniwala siya sa kakayahan at pagiging dalubhasa ng Russia para mag-develop ng mga bakuna para sa malalang sakit.

Ganito rin ang pananaw ni Aimee Espiritu na nagsabing willing siyang sumailalim sa trial kung kinakailangan.

“Ang Russia ay napakalaking bansa at may kakayahan silang magsaliksik upang makaimbento o makagawa ng solusyon sa lumalaganap na coronavirus,” wika ni Aimee.

Imahe mula sa The Jakarta Post

Russia gustong mag-produce ng COVID-19 vaccine sa Pinas

Samantala, nagpahayag din ng kahandaaan ang Pilipinas para makipagtulungan sa Russia sa gagawing clinical trial ng ‘Sputnik V’ at maging sa supply at production ng naturang gamot.

“The Philippines stands ready to work with Russia on clinical trials, vaccine supply and production, and other areas deemed practicable by relevant Philippine and Russian agencies to address this global health emergency,” anang Palasyo sa isang pahayag noong Martes.

Pang. Duterte na handang magpabakuna ng Russian vaccine disqualified na mauna sa clinical trials sa bansa

Bago pa nito, nagboluntaryo din si Pangulong Duterte na siyang unang magpapaturok ng bakuna mula sa Russia sakaling available na ito sa publiko. Ngunit kahit nag-volunteer siyang mauna, sinabi ng vaccine panel ng bansa na hindi qualified ang pangulo batay sa requirements sa clinical trials.

Loading…