Improvement ng internet service bago matapos ang taon tiniyak ng PLDT

Screenshot mula sa TV5 video
  • Tiniyak ng PLDT ang improvement ng kanilang internet service bago matapos ang taon
  • Naglaan ang kumpanya ng P70 billion para sa mga gagawing improvements kabilang ang pagtatayo ng karagdagang cell sites
  • Ang mas magandang kalidad ng internet service ay bahagi na rin ng tulong nito sa blended learning ng DepEd at work-from-home scheme ng mga kumpanya

Tiniyak ni Manny V. Pangilinan (MVP), ang chairman, president at chief executive officer ng PLDT, na tutugon ang kumpanya sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mas maayos na internet service simula sa buwan ng Disyembre ng taong kasalukuyan.

Screenshot mula sa TV5 video

“I am publicly assuring him that we will do our best to meet his expectations,” pahayag ni MVP sa isang virtual press briefing noong Biyernes, August 7.

Isang misyon daw ang ibinigay sa kanila ng Pangulo nang sabihin nito sa nakalipas na State of the Nation Address na ayusin ang kanilang internet service sa bansa bago matapos ang taon.

“We share the President’s concern about the level of services that we offer and he’s given us a mission: improve your services by December. And so we should be laser-focused in achieving a better quality of service by yearend. It’s really as simple as that. Let’s not put any color into it. That is his mandate, so yes, sir,” aniya.

Kaugnay ng pagpapabuti ng kanilang serbisyo, naglaan ang PLDT ng P70 billion. Ito ay bilang tulong na rin umano ng kumpanya na maging mas madali ang blended learning ng mga mag-aaral sa school year 2020-2021 na sisimulan sa August 24.

Screenshot mula sa TV5 video

Kabilang din sa makikinabang sa mas maayos na internet service ang “work-from-home” scheme na ipinatutupad ng mga kumpanya ngayong mayroong pandemya.

Plano rin ng kumpanya na paramihin ang lugar na mayroong 5G, ang bagong teknolohiya na mas mabilis kaysa sa karaniwang 4G na ginagamit ng karamihang mobile phone.

Nakipagkasundo din ang PLDT sa anim na tower companies para sa pagtatayo ng hindi bababa sa 180 cell sites.

Screenshot mula sa TV5 video
Source :

Philstar, YouTube

Loading…