Ina humukay ng tunnel upang itakas mula sa kulungan ang anak na nakapiit

Imahe mula sa Police Ukraine
  • Isang 51-anyos na ina sa Ukraine ang naghukay ng tunnel upang itakas ang anak na nakapiit
  • Ang anak niya ay may sentensyang habambuhay na pagkabilanggo
  • May lalim na 10 feet at habang 35 feet ang tunnel na nahukay ng babae sa loob ng tatlong linggo bago siya nadiskubre

Tinangka ng isang 51-anyos na ina sa Ukraine na itakas ang anak na lalaki na nakapiit sa isang facility sa pamamagitan ng paghuhukay ng malalim na tunnel.

Imahe mula sa Police Ukraine

Ang anak ng babae ay nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa nagawang kasalanan.

Sinimulan ng babaeng hindi pinangalanan ang kanyang masterplan sa pamamagitan ng pangungupahan sa isang maliit na bahay malapit sa prison facility sa southern Zaphorizia region kung saan binubuno ng anak ang sentensya sa kanya.

Mag-isa lang ang babae sa paghuhukay na ginawa gamit ang mga piko, pala, palakol at iba pa. Sa bukirin na malapit sa bahay na inupahan ay naghukay siya ng butas na may lalim na sampung talampakan at mula roon ay gumawa siya ng tunnel patungo sa loob ng prison wall.

May habang 35 talampakan ang hinukay niyang tunnel na umabot hanggang sa ilalim ng prison facility.

Hindi siya lumalabas ng bahay tuwing umaga at sa gabi lang siya naghuhukay upang hindi makapukaw ng atensyon sa mga tao sa lugar na inuupahan niya. Isang maliit na scooter ang sinasakyan niya kapag nagtutungo siya sa hinuhukay na tunnel.

Imahe mula sa Police Ukraine

“She had a kind of trolley, a piece of plywood with small wheels, so she could remove the soil,” ayon sa isang jail guard.

Ang scooter ang ginagamit niyang panghakot ng mga lupang nahukay. Itinatambak niya ang mga iyon sa isang garaheng hindi na ginagamit.

Tinatayang nasa tatlong toneladang lupa ang nahukay ng babae sa loob ng tatlong linggo bago siya nadiskubre ng mga awtoridad. Nakakulong na rin siya ngayon sa piitan kung saan naroroon ang anak.

Screenshot mula sa TSN News video

Loading…