Insect repellant chemical puwedeng pamuksa sa coronavirus, ayon sa pag-aaral

Imahe mula sa Eco Toothbrush
  • Isang chemical na ginagamit sa insect repellant ang napatunayang puwedeng pamuksa sa virus
  • Ang citriodol ay active ingredient na matatagpuan sa insect repellant tulad ng Mosi-Guard
  • Subalit hindi sapat ang Mosi-Guard bilang panlaban sa virus kapag ito lamang ang gagamitin

Isang chemical na matatagpuan sa mga insect repellant ang napatunayan na puwedeng pamuksa sa strain ng virus na pinagmulan ng COVID-19; ayon ito sa pag-aaral na ginawa ng mga siyentipiko ng Defense Science and Technology Laboratory (DTSL) sa United Kingdom.

Sa nasabing pag-aaral, nadiskubre na ang Citriodiol ay mayroong anti-viral properties na kapag inihalo sa virus na nasa liquid phase pa lamang ay maaari itong mapuksa. Ang Citriodiol ay isang active ingredient na matatagpuan sa mga insect repellant tulad ng Mosi-Guard.

Imahe mula sa Deccan Herald

“Mixing a virus suspension with Mosi-guard spray or selected constituent components resulted in a reduction in SARS-CoV-2,” ayon sa ulat.

Subalit nilinaw rin ng mga eksperto na hindi sapat ang nabanggit na mosquito spray bilang panlaban sa virus kapag ito lamang ang gagamitin.

Sa halip, ginagamit umano ito ng British military sa ngayon bilang karagdagang proteksiyon kasabay ng pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Umaasa naman ang DTSL na makatutulong ang kanilang natuklasan sa patuloy na pag-aaral ng mga siyentipiko upang makahanap ng pamuksa sa coronavirus.

Imahe mula sa Lazada Singapore

“DSTL is hopeful that the findings in this research can be used as a springboard for other organizations to expand and develop the research, as well as to confirm the findings in this publication,” anito.

Ang citriodiol ay gawa sa oil na nagmumula sa mga dahon at sanga ng punongkahoy na eucalyptus citriodora na karaniwang matatapuan sa Asia, South America at Africa. Dati nang napatunayan sa mga naunang pag-aaral na mabisa itong pamuksa sa ibang strain ng coronavirus.

Loading…