IRM ng Philhealth suspendido muna, pero COVID benefits tuloy pa rin

Imaeh mula sa Pinoy Negosyo
  • Sinuspinde pansamantala ng Philhealth ang kontrobersiyal na IRM program nito
  • Subalit patuloy pa ring makatatanggap ng benepisyo ang mga apektadong COVID patients
  • Ikinatuwa naman ng mga senador ang nasabing hakbang ng ahensiya

Nilinaw ng Philhealth na patuloy na makatatanggap ng benepisyo ang mga COVID patients kahit pansamantalang sinuspinde ng ahensiya ang interim reimbursement mechanism (IRM) program nito.

Pansamantalang itinigil ng ahensiya ang IRM sa gitna ng mga alegasyon ng kurapsyon na kasalukuyang dinidinig sa Senado.

Ang IRM, ayon sa Philhealth, ay isang “special privilege for the provision of substantial aid to an eligible Health Care Institution (HCI) directly hit by fortuitous event with clear and apparent intent to continuously operate and/or rebuild the HCI in order to provide continuous health care services to adversely affected Filipinos.”

Screenshot ng Twitter post ng Philhealth

Kabilang sa binabanggit na ‘fortuitous event’ ang umiiral na COVID-19 pandemic.

“PhilHealth announced the suspension of the Interim Reimbursement Mechanism (IRM)  to review its overall implementation and resolve issues arising from Congressional inquiries,” anang anunsiyo ng Philhealth.

Nangako naman ito na hahanap sila ng paraan para gawing mas ‘responsive’ ang programa sa mga pangagailangan ng mga HCIs upang masigurong patuloy pa ring makatatanggap ng benepisyo ang mga apektadong pasyente.

Nitong Biyernes, nilinaw ng ahensiya na IRM lang ang suspendido at hindi ang mga benepisyo para sa mga COVID patients.

Imahe mula sa Philhealth

“Contrary to one misleading headline today, PhilHealth is not suspending its Covid-19 payments for inpatient, testing and community isolation packages. Affected patients are assured of continued entitlement to these benefits,” ayun sa anunsiyo ng Philhealth sa Twitter account nito.

Nanindigan din ang state insurer na legal ang IRM at kailangan ito ng bansa sa pagtugon sa hamon ng COVID-19.

Ikinatuwa rin ng ilang senador ang pagsuspinde sa IRM.

Ayon kay Sendaor Juan Miguel Zubiri, isa itong magandang unang hakbang lalo pa’t nabulgar na kakarampot na P1-B pa lang ang naliquidate sa P14-B na narelease para sa mga pampublikong ospital.

Screenshot ng Twitter post ng Philhealth

Ganito rin ang pananaw ni Senador Francis Pangilinan.

Ayon sa kaniya, “”It’s a step that should have been done earlier. Kung binubulsa ang COVID funds sa IRM system, bakit itutuloy ang sistema? Pag tumutulo ang balde dahil may butas, isasarado muna natin ang gripo at tatapalan ang butas para maayos ang pag-imbak ng tubig.”

Para naman kay Senador Risa Hontiveros, tama ang ginawa ng Philhealth subalit kailangan pa rin ang epektibong ‘corrective measures’ para naman hindi maapektuhan ang mga HCIs na may valid claims.

Loading…