Isa sa 2 ostrich na nag-viral sa social media, hindi kinaya ang stress

Imahe mula sa News5
  • Sinabi ng may-ari na nasawi dahil sa stress ang isa sa dalawang ostrich na nag-viral sa social media kamakailan lang
  • Aalamin ng DENR kung totoo ang sinabi ng may-ari ng ostrich
  • Ang natirang ostrich ay ibinigay na sa pangangalaga ng Wildlife Rescue Center ng DENR

Ang isa sa dalawang ostrich na na-videohan na pagala-gala sa loob ng isang subdivision sa Quezon City ay nasawi dahil sa stress, ayon sa may-ari ng mga ito.

Imahe mula sa News5

Nakilala ang may-ari ng mga ostrich na si Jonathan Cruz. Ibinigay niya sa pangangalaga ng Wildlife Rescue Center ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang natirang ostrich.

Sabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda, magsasagawa pa rin sila ng isang imbestigasyon sa kabila ng sinabi ni Cruz.

Ayon kasi sa pahayag ng alleged owner na si Jonathan Cruz, na-stress daw ang ostrich at yumao na. Ngunit humihingi sila ng patunay na talagang wala na itong buhay. “Pero ‘di po agad-agad maniniwala ang DENR, unless makita natin ‘yung bangkay noong ostrich,” aniya.

Ayon pa kay Antiporda, may naiprisintang permit to transport si Cruz para dalhin sa Nueva Ecija ang mga ostrich mula sa Misamis sa Mindanao. Aalamin umano ng ahensya kung paanong napunta sa Quezon City ang dalawang flightless birds.

Screenshot mula sa Facebook video

Ang isa pang ipinagtataka ni Usec. Antiporda ay kung bakit sa Mapayapa Village III sa Barangay Pasong Tamo sa Diliman namataan ang mga ostrich  samantalang ang nakarehistrong address ni Cruz ay sa Balingasa, na labintatlong kilometro ang layo mula sa nabanggit na subdivision.

Dahil sa insidente, marami ang nagtatanong kung legal ba na gawing pet ang mga wild animals.

Ayon kay Dr. Rona Rose Sinaon ng Biodiversity Management Bureau, maaaring gawing pet ang mga ostrich, pero kailangang kumuha ng Certificate of Wildlife Registration sa DENR. Isa sa mga requirement ng permit ay ang pagkakaroon ng “financial and technical capability” at pasilidad kung saan maayos na maalagaan ang mga wild animals.

DENR kinalampag ng PAWS kasunod ng namataang 2 ostrich na gumagala sa QC subdivision

Samantala, kamakailan lamang ay nanawagan ang PAWS sa DENR matapos ang insidenteng kinasangkutan ng dalawang ostrich sa Quezon City subdivision.  Anila, dapat umanong maghigpit ang DENR sa pagbibigay ng permit para sa pag-aalaga ng wild animals. Batay kasi sa video, sinabi ng PAWS na hindi maayos ang kalagayan ng mga ostrich – palatandaang hindi sila naaalagaan nang tama.

Imahe mula sa DENR

Loading…