Iskolar na walang utang na loob ipinetisyong isauli ang ginastos ng gobyerno sa kanyang edukasyon

Imahe mula sa News5
  • Isang taxpayer ang nagsimula ng petition upang isauli ni Jejomar Contawe ang ginastos ng gobyerno sa kanyang edukasyon
  • Nakaka-shock umano ang kawalan ng utang na loob at respeto ni Contawe sa gobyernong nagpaaral sa kanya
  • Halos 29,500 na ang pumirma sa online petition sa website ng Change Org

Marami ang nagalit at sumama ang loob sa isang bagong graduate na scholar ng isang state university sa Tarlac dahil sa ipinost niyang larawan na nagsasabing siya ay iskolar ng Filipino taxpayers at hindi ng gobyerno at minura pa ito.

Imahe mula sa News5

BASAHIN: Lawyer pinangaralan ang iskolar na nagsabing iskolar siya ng taxpayers at hindi ng gobyerno

Nag-viral at umani ng maraming batikos ang post ni Jejomar Contawe na nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Communications sa Tarlac State University bilang isang iskolar dahil sa nakasulat sa hawak niyang whiteboard –“Iskolar ng Filipino taxpayers hindi ng f*cking government.

Isang mamamayan na nagbabayad ng buwis ang nagsimula ng isang online petition sa website ng change.org upang ipanawagan na i-reimburse ni Contawe ang lahat ng nagastos ng pamahalaan para sa kanyang pag-aaral.

Ayon sa nagsimula ng petition na si Linda Gabisan, na-shock siya sa kawalan ng utang na loob ni Contawe.

“As a tax payer and a loyal citizen of the Philippines, I find his lack of gratitude towards the government very appalling,” saad ni Gabisan sa petition.

Imahe mula sa News5

Aniya, hindi nauunawaan ni Contawe na dahil sa gobyerno, ang mga buwis na nakolekta mula sa mga mamamayang Pilipino ay maayos na naipadadala sa mga state universities upang ang mga deserving students ay mabigyan ng de-kalidad na edukasyon.

“It was appalling and in-gratuitous  for an individual to call the very institution that paved way for free  and quality education as a mere f*ck in his opinion!” mariing sabi ni Gabisan.

At dahil sa inasal niya, dapat umanong isauli ni Contawe ang lahat ng ginastos sa kanya ng gobyerno para makapag-aral nang libre.

“Well, Mr. Jejomar Contawe, due to your in-gratuitous and appalling attitude towards the government, we the Filipino people who continuously contributes and support this Government, so that order and benefits wished by the Filipino people are distributed and given, do so believe that you do not deserve the education paid for by tax payers through the Government.

Hence, we demand that you REIMBURSE the government  every cent paid for by the people through the Government for the education you were afforded.”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa halos 29,500 ang pumirma sa petition na ang target ay 35,000.

Screenshot ng petition sa Change.org

Loading…