Japan PM Shinzo Abe bumaba sa puwesto dahil sa isyu ng kaniyang kalusugan

Imahe mula sa Swarajya
  • Bumaba na sa puwesto si Japan Prime Minister Shinzo Abe dahil sa karamdaman
  • Humingi ng paumanhin sa kaniyang mga kababayan si Abe dahil kailangan niyang mag-resign sa gitna ng pandemya
  • Hindi pa malinaw kung sino ang papalit sa 65 anyos na Japanese leader

Makaraan ang walong taong panunungkulan, bumaba na sa puwesto si Japan Prime Minister Shinzo Abe dahil sa pangamba sa kaniyang kalusugan.

Nitong Biyernes, pormal na inanunsyo ni Abe ang kaniyang resignation sa isang televised address kung saan ibinahagi niya ang pakikibaka sa kaniyang matagal nang karamdaman.

“Poor health should not influence political decisions, and as long as I’m unable to meet the expectations of the Japanese people, I have decided that I cannot stay on as prime minister and will step down,” ani Abe.

Imahe mula sa WION

Ilang taon na ring nakikipaglaban ang 65 anyos na premier sa sakit na ulcerative colitis. Noong 2007, bumaba na rin sa puwesto si Abe dahil sa kaparehong dahilan matapos lamang manungkulan ng halos isang taon.

Muli siyang bumalik bilang prime minister ng Japan taong 2012 at sinabing kaya namang gamutin ang kaniyang karamdaman ng makabagong teknolohiya.

Noong nakaraang taon, si Abe na ang may pinakamahabang panunungkulan bilang PM ng bansang Hapon.

“In politics, the most important thing is to produce results. For seven years and eight months, I have done my best to get results, but I have been struggling with my illness and I need treatment,” wika ni Abe.

Humingi rin siya ng paumanhin sa kaniyang mga kababayan dahil kailangan niyang iwanan ang puwesto sa gitna ng umiiral na coronavirus pandemic.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“I would like to sincerely apologize to the people of Japan for leaving my post with one year left in my term of office, and amid the coronavirus woes, while various policies are still in the process of being implemented,” anito bago ito yumuko sa mga tao.

Hindi pa malinaw kung sino ang papalit sa puwesto ni Abe. Subalit sa ilalim ng kanilang batas, maaring magtalaga ng acting prime minister habang wala pang pormal na nahirirang.

Posibleng pumalit muna si Deputy Prime Minister Taro Aso, na siya ring finance minister, bilang kasunod sa line of succession.

Loading…