Jason Francisco nangalakal ngayong panahon ng pandemya

Image capture of video by Melason Official Youtube via YouTube
  • Jason Francisco nangalakal ng basura ngayong panahon ng pandemya
  • Aniya, magpasalamat tayo kung ano ang mayroon tayo
  • Pinuri niya ang mga nangangalakal na malaki ang ambag sa kalinisan ng paligid

Naghahanap ka ba ng mapagkakakitaan ngayong may pandemya? Well, pinatunayan ng aktor na si Jason Francisco na kung mag-iisip talaga tayo ay mayroon pa ring mga bagay na pupuwede nating gawin para kumita.

Image capture of video by Melason Official Youtube via YouTube

Sa vlog na pinamagatang “May Pera sa Basura” na ini-upload sa YouTube channel nila ng asawang si Melai Cantiveros; sinubukan ni Jason ang mangalakal sa pamamagitan ng paghalungkat ng mga bagay-bagay na pupuwedeng ibenta sa junk shop.

Aniya, “Nakaka-excite kasi parang nami-miss ko noong bata ako, di ba? At syempre, saludo rin ako sa mga tao d’yan na nakikita ko na madiskarte sa buhay.

“Eto ‘yung sinasabi natin na akala natin nakaupo lang tao sa bahay pero kung mag-iisip talaga tayo ay mayroon tayong pwedeng gawin para sa pamilya natin.”

Nagpunta rin siya sa kanilang mga kapitbahay para mamulot at humingi ng kalakal. Kabilang sa mga nakolekta niya ang plastik, bakal, papel, bote, karton at iba pa.

Dinala niya ang mga ito sa junk shop kung saan naibenta niya ang mga nakaloketa niya sa hindi hihigit sa 30-minuto sa halagang P45.00.

“Ngayon, naka P45.00 na ako, makakabili na ako ng isang kilog bigas. O, kita n’yo, mabubuhay na ako ng isang araw.”

At kung sisipagan pa niya, ani Jason, ay mas malaki pa ang kikitain niya.

Image capture of video by Melason Official Youtube via YouTube

Makukuhang aral umano sa kanyang karanasan sa pangangalakal ang magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo kasi mayroon pang mas nangangailangan sa atin.

Binigyang-saludo naman niya ang mga mangangalakal na malaki ang naiaambag sa kapaligiran dahil kung wala sila ay makalat ang paligid; kaya’t hindi aniya dapat ikahiya ang pangangalakal.

Panoorin ang buong vlog sa ibaba:

Source :

YouTube

Loading…