Jay Sonza may payo kay ‘Igan kaugnay ng Sarah Balabagan issue: ‘Speak up or simply vanish’

Mga imahe mula sa Facebook
  • May payo si Jay Sonza sa kaibigang si Arnold Clavio sa gitna ng Sarah Balabagan issue
  • Ani Jay, dapat ay magsalita na ang kilalang GMA 7 media personality
  • At kung hindi man niya umano ito magawa, dapat ay maglaho na lamang si Arnold sa mata ng publiko

Trending ngayon sa balita at sa social media ang pangalan ni Kapuso broadcaster Arnold ‘Igan’ Clavio matapos ang ginawang pagbubunyag ni Sarah Balabagan tungkol sa kanilang diumano’y naging relasyon.

Matatandaang sumabog sa socmed ang ang kontrobersiya dahil sa Facebook Live ni Sarah kung saan inamin nitong si Arnold ang tatay ng kaniyang panganay na anak. Mahigit dalawang dekada ring itinago ng dating OFW ang kanilang lihim bago ito nagpasiyang aminin ang kanilang naging ugnayan ng batikang radio at TV personality.

Imahe mula sa Instagram accout ni Arnold Clavio

Sa kabila nito, pinili ni Arnold ang manahimik habang pinagpipiyestahan sa social media ang isyu. Nitong Lunes ay nakuha pang magpost ni Arnold sa Instagram ng kaniyang larawan habang nagpapaayos ng buhok sa isang salon na tila ba hindi apektado ng ginawang pagsisiwalat ni Sarah.

BASAHIN: Hair Time: Arnold Clavio ibinida ang pagpapaayos ng buhok sa gitna ng Sarah Balabagan controversy

Subalit mistulang hindi nakatiis ang kaniyang kapwa media personality at dati ring taga-GMA 7 na si Jay Sonza.

Screenshot ng Facebook post ni Jay Sonza

Payo ni Jay Sonza kay Clavio sa isang Facebook post, “My friend (igan) your silence is not helping you any. MAN UP. SPEAK UP OR SIMPLY VANISH.”

Dagdag pa ni Jay sa comment section ng post, kailangang magsalita na ng kaniyang kaibigan dahil hindi naman ito kabawasan sa kaniyang pagkalalaki. At kung hindi man niya ito magawa, mas mabuti pang maglaho na lamang siya sa mata ng publiko.

“Hindi kabawasan ng pagkalalaki o pagkatao ang pag-amin ng kasalanan, pagkakamali at pagkukulang. if you can’t do this, spare your colleague at GMA from further humiliation and disrespect. Do the most honorable thing, vanish from public eye,” ani Jay.

Screenshot mula sa Facebook video ni Sarah Balabagan

At sa isa pang post, bagama’t hindi tuwirang binanggit si Arnold, pinaalalahanan niya ito sa posibleng kahihinatnan sa ‘paglapastangan’ sa isang menor-de-edad.

“FYI. Violation of RA 7610 o Child Abuse Law kapag gumawa ka ng kalapastanganan laban sa isang below 18 years old,” anang post ni Jay.

Hindi pa nagsasalita si Arnold Clavio tungkol sa diumano’y naging relasyon nila noon ni Sarah Balabagan at patuloy pa rin itong napapanood sa mga programa sa GMA. Maging ang istasyon ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag tungkol sa isyu.

Loading…