John Regala nakausap ang biological son sa Amerika matapos ang 18 taon

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Isa sa nagpapalakas kay John Regala ang biological son na nasa Amerika na naninirahan kapiling ang inang si Aurina Manansala-Hunt, ang first wife ng aktor
  • Noong Lunes, August 10, ay nagkausap sa pamamagitan ng video call ang mag-ama
  • Nagsabi ang anak ni John na uuwi ito sa Pilipinas upang magkita silang mag-ama

Masayang ibinalita ng veteran entertainment journalist na si Ms. Aster Amoyo na malaki na ang improvement sa kalusugan ng aktor na si John Regala mula nang ma-confine ito sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Imahe mula kay Ms. Aster Amoyo

Bagama’t hindi pa makatayo at makalakad nang walang umaalalay, nakauupo na ang aktor at nakakakain na rin ng solid foods kahit paunti-unti. Inaasahang ilang araw pa ay maaari nang makauwi si John kapag nadagdagan ang kanyang lakas.

Ibinahagi ni Ms. Amoyo ang larawan ni John habang nakaupo sa gilid ng kama at masayang nakatitig sa isang cellphone. Kausap raw nito ang anak na si John Paul Kieffer na nasa Amerika sa piling ng ina na si Aurina Manansala-Hunt, ang first wife ng aktor.

“We’re so happy sa malaking improvement ng actor na si John Regala since he was rushed to the National Kidney and Transplant Institute late Tuesday. Although he can’t stand and walk by himself yet, nakakaupo na siya at nakakain kahit pakonti-konti ng solid food. In a couple of days ay inaasahan na namin siyang up and about at puwede nang umuwi,” post ni MS. Aster Amoyo.

Ang anak umano ang isa sa mga dahilan ng mabilis na paglakas ni John Regala.

Nakunan naman ni Aurina Manansala-Hunt ng video ang pag-uusap ng mag-ama at ibinahagi niya ang video clip sa ABS-CBN.

“When I go to the hospital, you are my inspiration to be strong enough, you know, and I will wait for you here, ok?” sabi ni John sa anak.

Imahe mula kay Aurina Manansala-Hunt

“When you think I forget you, no. I love you because you are my only son. I’m sorry we’re apart. I didn’t abandon you. I never abandon my children. I love you. Always remember that,” sabi pa ng aktor kay John Paul Kieffer.

Sumagot naman ang anak na magtutungo sila sa Pilipinas para magkita silang mag-ama.

Imahe mula kay Aurina Manansala-Hunt

“Thank you, father John. We’ll be in the Philippines soon,” Ani John Paul Keiffer.

“Yes. I will wait for you,” sagot ni John sa anak.

Halos isang oras din tumagal ang pag-uusap nilang mag-ama.

Narito ang bahagi ng video ng pag-uusap ni John at anak na si John Paul Kieffer:

Loading…