John Regala naging emosyonal sa muling paghaharap nila ni Chuckie Dreyfus sa Raffy Tulfo in Action

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video
  • Naging emosyonal si john Regala sa muling paghaharap nila ni Chuckie Dreyfus sa programa ni Raffy Tulfo
  • Napaluha umano siya dahil silang dating magkakaibigan ay nag-aaway-away na ngayon
  • Bandang huli ay nagkaliwanagan naman ang magkabilang panig

Naging emosyonal ang dating action star na si John Regala sa programang Raffy Tulfo in Action kung saan muli silang nagharap ng dating child star na si Chuckie Dreyfus.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video

Si Chuckie ay kasama sa grupo nina Nadia Montenegro at entertainment columnist na si Aster Amoyo na tumulong sa pagkalap ng mga donasyon para sa pagpapagamot ni John.

Matatandaang naging isyu ang mga donasyon dahil sinabi ni John na hindi siya nabigyan ng listahan ng mga taong nag-donate at hindi raw niya nahawakan ang pera. Hindi naging maganda ang dating nito sa grupo nina Chuckie dahil tila sila pa ang pinalalabas na masama sa kusang-loob na pagtulong nila.

In-acknowledge ni Chuckie na maaari ngang nagkaroon ng oversight sa panig nila at hindi nai-communicate nang maayos ang bawat hakbang na ginagawa nila para sa pagtulong kay John.

Sa isang punto ng naturang paghaharap ay naging emosyonal si John Regala. Nalulungkot umano siya dahil silang dating magkakaibigan ay nag-aaway-away na ngayon. Sana raw ay hindi na lang siya tinulungan kung isusumbat din iyon sa kanya.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video

“Tinulungan nila ako, isusumbat nila sa akin. Sana hindi na lang nila ako tinulungan kasi masakit po’ng sumbatan lalo na po’t sa media nila ipinadaraan,” paliwanag ni John nang tanungin ni Raffy Tulfo.

Sa bandang huli ay nagkaliwanagan din ang magkabilang panig. May pakiusap ring ginawa si Chuckie Dreyfus sa mga netizens na sana ay tigilan na ang panghuhusga sa kanila dahil hindi naman nila alam ang buong istorya.

Nilinaw si Chuckie na ang lahat ng kanilang ginawang tulong kay John ay bunsod ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa artista.

Ipinagpasalamat naman ito ni John at ang pasasalamat na iyon ay malugod na tinanggap ng dating child star.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video

Loading…