John Regala tinanggihan ng ilang ospital bago na-confine sa NKTI

Imahe mula sa News5 Features Facebook page
  • Naka-confine na si John Regala sa NKTI para sa patuloy na gamutan
  • Bago tinanggap sa NKTI ay tinanggihan ang aktor sa ibang ospital dahil puno na ang ER ng mga COVID-19 patients
  • Maging ang ER ng NKTI ay puno na rin at sa isang tent na ginawang make-shift ER dinala si John Regala

Kasalukuyang naka-confine ngayon ang  aktor na si John Regala sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para sa patuloy na gamutan sa kanyang mga karamdaman.

Imahe mula sa News5 Features Facebook page

Kuwento ng beteranong entertainment writer na si Aster Amoyo, bago dinala sa NKTI ang aktor ay isinugod ito sa ibang ospital dahil sa matinding sakit na naramdaman, subalit lahat ng napuntahan nilang pagamutan, pribado man o government hospital, ay puno na ang mga emergency rooms dahil sa mga COVID-19 patients.

Lahat ng napuntahan nilang ospital ay puno na ng mga pasyente kaya napilitang ibalik sa tinutuluyang condominium si John.

Sabi ni Aster Amoyo, sa tulong ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong, naipasok sa NKTI ang aktor. Tumulong daw ang ilang Philippine Navy volunteers na kaibigan ng dating aktres na si Nadia Montenegro upang madala sa nasabing pagamutan si John.

Pero tulad ng ibang pagamutan, puno na rin ng mga pasyente ang NKTI kaya sa isang tent na ginawang make-shift emergency room dinala si John. Agad naman umanong inasikaso ng mga doktor ang aktor.

Imahe mula sa News5 Features Facebook page

Ayon kay Nadia Montenegro, isinailalim agad ang kaibigan nila sa iba’t ibang tests at treatments.

“Medication cannot be administered freely because of the severe deterioration of his liver and kidneys. We need to wait until all his test results have come out before doctors can determine their next steps,” sabi  ni Nadia.

Dalawang araw ding nanatili sa tent si John bago siya nai-transfer sa isang pribadong silid.

Imahe mula kay Aster Amoyo

Sabi naman ng dating child actor na si Chuckie Dreyfus, ibinibigay naman ng ospital ang medical care na kailangang-kailangan ni John. Aniya, patuloy silang magbibigay sa mga tao ng update sa kalagayan ng magaling na kontrabida.

Samantala, patuloy pa rin ang pagdating ng mga tulong para kay John galing sa mga dating kasamahan sa showbiz.

Loading…