Jollibee nagbawas ng mga empleyado sa company-owned stores

Imahe mula sa Jollibee
  • Jollibee nakapagtala ng P12 billion net loss sa first half ng 2020
  • Nagtapyas ito ng 50% ng empleyadong may managerial rank sa company-owned stores noong August 15, 2020
  • Sa Oktubre ay magtatanggal naman ng mga higher-level officers ang kumpanya
  • Sa kabila nito, naniniwala asi Jollibee President Eernesto Tanmantiong na muling makababawi ang Jollibee at lalo pang lalakas pagkatapos ng pandemya

Simula sa buwan ng Oktubre ay muli na namang magbabawas ng mga empleyado ang local fastfood giant na Jollibee Foods Corporation. Epekto umano ito ng pandemyang patuloy na umiiiral.

Imahe mula sa jollibee

Ipinahayag ni Jollibee president Ernesto Tanmantiong sa mga empleyado nito noong August 27 na magpapatupad ng “rationalization “sa  organisasyon ng kanilang main office.

“It is with great sadness that I announce that we will implement a rationalization in our main office’s organization starting October,” ani Tanmantiong na sinabi pang magsasagawa ang kumpanya ng mga pagbabago sa work arrangement na magereresulta sa pagbabawas ng mga tao.

Aniya, napilitan ang Jollibee na magbawas ng office staff dahil hindi nakamit ng mga hakbang na ginawa ang target ng kumpanya simula nang magkaroon ng community quarantine noong kalagitnaan ng Marso.

Sa kabila ng mga hakbang na ipinatupad ay hindi pa rin kumikita ang kumpanya dahil tumamlay ang ekonomiya at humina ang purchasing power ng mga Jollibee customers.

Imahe mula sa Jollibee

Nagtapyas na ang kumpanya ng 50% ng mga empleyadong may managerial rank noong August 15 sa company-owned stores nito nationwide, samantalang ang retrenchment ng higher-level officers ay gagawin sa Oktubre.

Ang mga natanggal ay nabayaran naman umano nang maayos. Ang suweldo naman umano ng mga natirang managerial ranked employees ay mababawasan nang kaunti at magkakaroon ng dalawang araw na day-off na walang bayad.

Imahe mula sa Jollibee

Ang retrenchment na ipinatupad ay kasunod ng pagsasara nito ng 255 branches. Nakapagtala ng P12 billion na pagkalugi ang Jollibee sa unang anim na buwan ng 2020.

Sa kabila ng mga ito ay naniniwala si Tanmantiong na muling makababawi ang kumpanya at lalo pang lalakas pagkatapos ng pandemya.

Imahe mula sa Jollibee

Loading…