Ka Tunying at Gerry Baja, sa DZRH na mapakikinggan simula Setyembre?

Imahe mulas Facebook ng DZMM, DZRH
  • Sa DZRh, at hindi sa TV5 or dzBB, muling mapakikinggan ang ‘Dos por Dos
  • Ito ang ibinulgar ni Ricky Lo sa kaniyang pinakahuling column sa Philstar
  • Mapakikinggan na raw muli sina Ka Tunying at Ka Gerry simula sa Setyembre

Nagpaalam na sa ere noong Hulyo 31 ang sikat na programa sa DZMM na ‘Dos por Dos’ na tinatampukan nina Anthony Taberna at Gerry Baja.

Halos 17 taon din itong namayagpag sa himpapawid at maraming tagasubaybay ng programa ang nalungkot matapos mabigong makakuha ng bagong prangkisa ang ABS-CBN na siyang may-ari ng DZMM.

Imahe mula You Tube

Sa kabila nito, marami ang umaasa na muli nilang mapakikinggan ang ‘Dos por Dos’ kahit na lumipat ito sa ibang istasyon. May mga lumabas pa ngang ulat na posible itong mapunta sa TV5 ni Manny Pangilinan.

Ang iba namang kumalat na balita ay maglilipat-bahay daw ito sa dzBB ng GMA, habang interesado din umano ang board of director ng TV4 na si Katherine De Castro sa tambalan nina Ka Tunying at Ka Gerry.

“Dos por Dos” nina Ka Tunying at Gerry ng DZMM, lilipat na sa TV5?

Subalit sa Philstar column ni Ricky Lo na lumabas nitong Sabado, ika-8 ng Agosto, tiyak na raw ang paglipat sa Setyembre ng dalawang dating Kapamilya radio host sa DZRH; ang istasyon na pag-aari ng pamilya Elizalde.

“[T]he next word is not just kuryente but a fact — yes, the same unimpeachable source claimed, “Ka Tunying and Gerry Baja are now with dzRH and they will start their program in September,” ayon sa kolumnista.

Imahe mula Facebook-DZMM

Subalit hindi pa tiyak kung tatawagin pa rin daw itong ‘Dos por Dos’, wika ni Ricky Lo.

Ang malaking tanong lang umano na hindi pa nasasagot ng dalawa ay kung bakit sila nasibak sa DZMM nang walang gaanong babala – ito raw ba ay dahil sa ‘cost-cutting’ na pinaiiral ng Kapamilya network sapagkat hindi na kayang bayaran ang kanilang talent fee?

Gayun pa man, kailangang abangan na ng mga tagasubaybay nina Ka Tunying at Ka Gerry ang kanilang pagbabalik sa ere.

Loading…