Kahit mag-flatten ang COVID-19 curve hindi pa inirerekomenda ang full reopening ng ekonomiya – UP expert

Screenshot mula sa video ng CNN PH
  • Hindi inirerekomenda ng mga UP experts ang full reopening ng economy kahit mag-flatten na ang COVID-19 curve
  • Ang flattening of the curve ay simula pa lang daw ng recovery at maaari pa itong bumalik sa malalang sitwasyon kung hindi mag-iingat
  • Kapag nag-flatten ang curve, dapat daw itong panatilihin ng maraming buwan upang maging masaya ang darating na Pasko
  • Inaasahan ng UP experts na magpa-flatten ang curve ng COVID-19 sa katapusan ng August o sa September

Hindi pa nararapat ang full reopening ng economy kahit mag-flatten na ang COVID-19 curve dahil ito ay simula pa lang ng recovery ng bansa mula sa pandemya, ayon sa mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

Imahe mula sa OneNewsPH

“We don’t necessarily recommend na fully reopening the economy because this is just the start of the recovery process, ‘yung pag-flatten ng curve,” ayon kay Dr. Guido David ng UP OCTA Research Team sa isang televised briefing.

Matatandaang nauna nang ipinahayag ng grupo ni Dr. Guido na inaasahan ang flattening of the curve sa katapusan ng Agosto o kaya ay sa Setyembre kasunod ng naobserbahang pagbaba ng reproduction rate ng COVID-19 cases sa Metro Manila at apat na probinsya.

Aniya, hindi porke’t nag-flatten na ang curve ay irreversible na iyon. Maaari pa umanong maulit ang pagtaas ng mga nagkaka-COVID-19 kung hindi mag-iingat.

“Hindi ibig sabihin ‘pag sinabi natin nag-flatten na ‘yung curve, irreversible siya. The trend can always reverse, we can always have another surge if we’re not careful, that’s why we should be careful,” babala ni Dr. David.

Screenshot mula sa video ng CNN PH

Dapat raw pag-aralang mabuti ang muling pagbubukas ng ekonomiya upang hindi na muling maulit ang mga nakaraang pagkakamali noong unang ipinatupad ang maluwag na general community quarantine sa maraming lugar ng bansa.

“We learned from our past mistakes siguro nang una tayo nagkaroon ng GCQ, nagka-surge because there were things na hindi natin na-anticipate. ‘Yung infectivity ng virus. So right now, I think we’re better prepared for that but we still have to be very, very careful about not letting this get out of control,” aniya.

Ayon sa kasama ni Dr. Guido na si Fr. Nicanor Austriaco dapat matuto sa pagkakamali ang mga Pilipino upang mapanatili ang tagumpay na nakamit nang ipatupad ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine.

Screenshot mula sa video ng CNN PH

Sabi ng grupo, upang maging masaya ang Paskong darating ay dapat na panatilihin ang below 1 reproduction rate ng COVID sa loob ng maraming buwan.

Kapag mas mataas sa 1 ang reproduction rate, ibig sabihin ay patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Kung below 1 naman, nangangahulugan na unti-unti na iyong maglalaho.

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…