
- Tuluy-tuloy pa rin ang pagdadala ng ABS-CBN ng mga programa nito sa international market sa Asya, Africa at Latin America
- 14 Kapamilya shows ang mapapanood sa Africa
- Magkakaroon ng Indonesian remake ang Love Thy Woman
Hindi man nabigyan ng panibagong prangkisa rito sa Pilipinas, ‘di patitinag ang ABS-CBN sa pagdadala ng mga Kapamilya shows para mapanood naman ito ng mga mamamayan sa ibang mga bansa sa Asya, Africa at Latin America.

Ngayong taon ay 14 ABS-CBN shows ang mapapanood sa Africa na kinabibilangan na ng top-rating action series ni Coco Martin na Ang Probinsyano (international: Brothers), ang phenomenal series na Kadenang Ginto (international: The Heiress) at ang The General’s Daughter ni Angel Locsin.
Kasama ring dadalhin sa Africa ang La Luna Sangre ng KathNiel, The Kill*r Bride ni Maja Salvador, Mea Culpa (Sino Ang May Sala), Love Thy Woman, Sandugo (international: Fists of Fate), A Soldier’s Heart, Hanggang Saan? (international: A Mother’s Guilt), Araw Gabi (international: Secrets of El Paraiso), Los Bastardos, Sana Dalawa ang Puso (international: Two Hearts), at Since I Found You.
Dito naman sa Asya, magkakaroon ng Indonesian remake ang Love Thy Woman samantalang napapanood sa Myanmar ang Los Bastardos, Sandugo at Sana Dalawa ang Puso.
Mapapanood sa Brunei ang Dear Other Self; ang Since I Found You, at Sana Dalawa ang Puso sa Pacific Islands. Katatapos namang naipalabas sa Vietnam ang My Perfect You at Barcelona.
Dadalhin sa Latin America ang classic ABS-CBN series na Dahil May Isang Ikaw na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Pahayag ng ABS-CBN International Distribution, patuloy silang magdadala ng mga de-kalidad na Filipino programs sa higit 50 territorries. Nakapagbenta na sila ng 50,000 hours of content worldwide.
Tuloy rin ang operasyon ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga contents sa Kapamilya Channel, na available sa cable at satellite TV, at ng Kapamilya Online Live, na available naman sa Facebook at YouTube stream. Mapapanood din ang mga shows nila sa iWant at TFC streaming platforms.
