Katrina tinuturuan ng gawaing-bahay ang anak para hindi maging senyorita

Image by Katrina Halili via Instagram
  • Katrina Halili tinuturuan na ng mga gawaing bahay ang anak para hindi lumaking palautos
  • Katrina: “Baka mamaya tubig lang hindi pa magawang makuha, ‘di ba?”
  • Research: Malaki ang nagagawa ng pagkatuto ng mga bata sa mga gawaing bahay sa kanilang success

Kung inaakala mong pinalalaki sa layaw ang mga anak ng mga artista, lalo na sa mga artistang sikat at malaki ang kinikita, hindi ganito ang pagpapalaki ni Katrina Halili sa anak niyang si Katie. Habang bata pa lamang kasi ay tinuturuan na niya ito ng mga gawaing bahay.

Pahayag ni Katrina sa GMA News, “Nauutusan ko siya, actually tini-train ko siya. Ayoko po siya lumaki na senyorita, baka mamaya tubig lang hindi pa magawang makuha, ‘di ba? So gusto ko lumaki po siya na marunong po siya sa buhay niya.”

Image by Katrina Halili via Instagram

Anang aktres, bukod sa madalas ang kanilang family bonding ngayong panahon ng pandemya ay naglalaan siya ng oras para sanayin at madisiplina ang anak.

Pagbabahagi nito, sa ngayon ay malaking tulong na sa kanya si Katie at ito na mismo ang nagtutupi ng kanyang pinaghigaan, naghuhugas ng sariling plato at nagwawalis at nagma-mop kapag may mga kalat.

Bilang patunay, nagbahagi siya ng video sa social media kung saan makikita ang anak na naglalampaso ng sahig, nagpupunas ng hagdan at naghuhugas ng pinggan. Maririnig din sa video ang aktres na pinapapurihan ang ginagawa ng anak, “Very good, very good,” aniya.

Kinahihiligan umano ni Katrina ngayong nasa bahay siya ang pagbe-bake at pagluluto — yan ang masarap na reward sa masunuring anak, ang pagsaluhan ang masarap na pagkain!

Kids who grow up doing chores are more likely to become successful adults

Malaki ang nagagawa sa mga bata ng kasanayan sa mga gawaing bahay dahil nade-develop nito ang strong at positibong pananaw sa buhay na siyang sangkap para makamit ang tagumpay, ayon sa pag-aaral.

Image by Katrina Halili via Instagram

Pahayag ng awtor at dating Dean sa Stanford University na si Julie Lythcott-Haims, lumabas sa pag-aaral ng Harvard Grant Study na, “… the earlier you start it, the better…If kids aren’t doing the dishes, it means someone else is doing that for them.

“And so they’re absolved of not only the work, but of learning that work has to be done and that each one of us must contribute for the betterment of the whole.”

Panoorin ang video na ito mula sa GMA News:

Loading…